PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ice Seguerra, binisita ang mga nasalanta ng lindol sa North Cotabato

Ice Seguerra, bumisita sa mga evacuation centers sa North Cotabato.
by PEP Troika
Published Nov 15, 2019
Binisita ni Ice Seguerra ang mga nasalanta ng lindol sa North Cotabato — apat na evacuation center nitong Nobyembre 14, Huwebes; at anim nitong Nobyembre 15, Biyernes.
PHOTO/S: Liza Dino Esguerra Facebook

JERRY OLEA

Proud na proud si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra sa partner niyang si Ice Seguerra.

Binisita ni Ice ang mga nasalanta ng lindol sa North Cotabato — apat na evacuation center nitong Nobyembre 14, Huwebes; at anim nitong Nobyembre 15, Biyernes.

Bukas, Nobyembre 16, Sabado, sa Davao del Sur naman maghahatid ng konting saya si Ice sa pamamagitan ng pag-awit.

Pinakamasaya si Ice kapag nagagawa niya ito.

Post ni Liza patungkol kay Ice nitong Friday night sa Facebook, “Buhay na buhay siya pag nakakatulong siya sa mga kababayan nating displaced or nabiktima ng sakuna.

“We may not have monetary funds to give to them but through his sharing of his music and being ‘present’ -- showing them that they are not alone sa mga pinagdadaanan nila at merong mga taong handang dumamay sa kanila, it relieves them somehow sa kung anumang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.”

Nag-sorry si Liza kay Ice dahil hindi niya ito nasamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Liza, “Please extend our love and prayers for them and remind them na nandito tayong lahat para dumamay sa kanila.

“Ingat ka diyan. I hope we can do some film showings there para kahit paano, makatulong para maibsan ang lungkot nila...”

NOEL FERRER

Maaasahan talaga si Ice lalo na sa mga ganitong pagtulong sa kapwa. Kaya nananalangin akong maging successful din ang mga gawain niya tulad ng concert with Noel Cabangon at kay Juris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuhay kayo, Ice at Liza!

GORGY RULA

May ilan pang celebrities na nagpapadala ng tulong na hindi nila pinu-post sa kanilang social media account.

May ilang programa sa GMA-7 na nag-aambag-ambag ang mga artista at production staff ng kanilang tulong para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binisita ni Ice Seguerra ang mga nasalanta ng lindol sa North Cotabato — apat na evacuation center nitong Nobyembre 14, Huwebes; at anim nitong Nobyembre 15, Biyernes.
PHOTO/S: Liza Dino Esguerra Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results