PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Your Moment at KMJS, wagi sa weekend ratings

Tapatan ng online shoping specials, sino ang nagwagi?
by PEP Troika
Published Nov 13, 2019
(Left) Billy Crawford, Nadine Lustre, and Boy Abunda are the judges in ABS-CBN's new talent show Your Moment; (right) Kapuso Mo, Jessica Soho of GMA-7 continues its reign on Sundays.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Wagi sa ratings ang unang weekend ng two-in-one talent reality show na Your Moment, ang programang pumalit sa The Voice Kids (Season 4).

Ayon sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, ang pilot episode nito noong Nobyembre 9, Sabado, ay 28.9%, kontra sa 16.4% ng katapat na The Clash.

Ito ang No. 1 program sa bansa noong Sabado.

Pumangalawa ang Maalaala Mo Kaya episode nina Jaya & Awra na naka-24.4%, kontra sa Magpakailanman episode nina Mark Herras & Nicole Donesa na naka-14.3%.

Pangatlo ang Home Sweetie Home Extra Sweet na naka-23.2%, kontra sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na naka-19.2%.

Noong Nobyembre 10, Linggo, ang No. 1 program ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-27.6%.

Ang katapat nitong Kapamilya Super Blockbusters ay naka-13.1% lamang. Nakabawi ang KMJS!

Pumangalawa ang Parasite Island na naka-26.6%, kontra sa Daig Kayo ng Lola ko na naka-17.1%.

Uugud-ugod na si Lola. Malapit nang magpahinga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlo ang Your Moment na naka-26.3%, kontra sa The Clash na naka-17.4%.

Pang-apat ang Rated K Handa Na Ba Kayo na naka-24.3%, kumpara sa Amazing Earth: Nature’s Microworlds na naka-16.6%.

GORGY RULA

Dapat may bagong mapanood sa Your Moment, dahil malapit na silang malagpasan ng The Clash.

Ayon sa AGB NUTAM, noong nakaraang Linggo, November 10, ay dumikit na ang The Clash na may 10.3% sa Your Moment na 10.8%.

Pero ang nakakaaliw noong Linggo ay ang tapatan ng dalawang Online Shopping programa na Lazada sa ABS-CBN at ang Shopee naman sa GMA 7.

Preempted tuloy ang The Boobay and Tekla Show at ang Gandang Gabi Vice.

Sa AGB NUTAM, naka-3.8% ang Shopee sa GMA-7, at 2.7% naman ang Lazada sa ABS-CBN.

Alin kaya ang mas nakabenta nang bonggang-bongga?

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ang umabante nang husto noong Linggo ng gabi, kung saan nakakuha ito ng 17.5%.

Naungusan ng TV Patrol, na may 7.1%, ang 24 Oras na nakakuha ng 6.2%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May 8.7% ang Amazing Earth, at 9.7% ang Rated K.

Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 9.8%, at ang Parasite Island ay 10.6%.

NOEL FERRER

Wala na nga bang remedyo kay Lola? Parang nanghihina na ito sa ratings.

OK naman ang Your Moment pero parang Magpasikat lang ito ng It’s Showtime.

Ang wagi talaga kapag weekend ay si Luis Manzano dahil may Home Sweetie Home siya kapag Sabado, at hataw siya kapag Linggo — may ASAP, Your Moment, at I Can See Your Voice pa!

He’s the weekend man na talaga!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Billy Crawford, Nadine Lustre, and Boy Abunda are the judges in ABS-CBN's new talent show Your Moment; (right) Kapuso Mo, Jessica Soho of GMA-7 continues its reign on Sundays.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results