PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NETIZENS REACT: Meralco’s PHP0.53 increase/kWh for April

Netizen: "Wala na, kahit anong tipid."
by Bernie V. Franco
Published Apr 10, 2026
Meralco
Netizens react to Manila Electric Company’s (Meralco) announcement of a PHP0.53 per kilowatt-hour increase for April 2026 billing.
PHOTO/S: Meralco / Canva

Hindi mainit ang pagtanggap ng publiko sa inanunsiyong increase ng Manila Electric Company o Meralco sa darating na Abril 2026 billing.

Hindi pa kasi nalkaka-recover ang mga tao sa epektong dulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Nataon pang summer, kung kelan pinakamataas ang energy consumption ng mga Pinoy households dahil sa matinding init ng panahon.

Ang anunsiyo ng Meralco ngayong Biyernes, April 10, 2026, ay 53 centavos ang increase kada kilowatt-hour (kWh).

Kaya madadagdagan ng PHP106 ang babayaran ng mga consumers na mayroong 200 kWh electricity consumption.

Ulat ng GMA News, bunsod daw ito ng paghina ng piso laban sa dolyar dahil sa patuloy na krisis sa Middle East, na may epekto sa generation costs.

Read: Netizens have the funniest reactions to “Name Withheld” in the topnotchers’ list

NETIZENS REACT

Iba-iba ang reactions ng netizens, subalit karamihan ay hindi positibo.

Marami sa mga nagkomento ang nawawalan ng pag-asa dahil sa mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na, kahit anong tipid."

“Walang katapusan pahirap."

“Ayaw ko na sa Pinas."

Meralco 1
Meralco 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ilang netizens, mas personal ang mga komento at inilarawan ang hirap na kanilang nararanasan dahil sa mga taas-singil.

Pagbabahagi ng isang ginang: “500 na nga lang ang arawan ng asawa ko andami pang bayarin. Di na lang siguro kakain, magbabayad na kami ng mga bills, kuryente, tubig. Bigas, at ulam pa sa araw-araw.”

May misis na nag-tag ng kanyang mister. Aniya (published as is), “dadii ohh.. pano pa gagawin natin, juskoooo.”

Meralco 3
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sarkastikong komento ng isa, “Wala pa nga yung bill ko ng March, upcoming increase na naman yan?"

May netizen na nilista ang lahat ng mga nagtaas ng singil: presyo ng mga pagkain, singil sa kuryente, at tubig.

Saka humirit ng, “Salary increase sa Labor Day: Wala!”

Meralco 4

Mayroon din namang mga hindi nagulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala sabi na eh, imposibleng di mangyari ito.”

“Lahat na lang talaga wala kayong awa sa mga consumer.”

Ang iba naman ay galit sa mangyayaring taas-singil sa kuryente.

Meralco 5

Meralco 6

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nag-iisip ng paraan kung ano ang gagawin nila para makatipid.

May nakakaisip na mag-invest sa solar energy.

Solar 1
solar 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Grab PH suspends TNVS driver over lewd post about Xyriel Manabat

PRICE INCREASE IS JUST FOR MARCH

Samantala, may komento rin ang ABS-CBN anchor na si Alvin Elchico.

Ipinost ni Alvin ang kanyang video kahapon, Huwebes, April 9, 2026.

“Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission [ERC) na hindi siya aabot ng piso, which means hindi siya kailangang utay-utayin,” anang anchor.

Nauna na kasing sinabi ng ERC na kapag ang increase ay umabot ng piso kada kWh, kailangan ay staggered ito at ipaalam.

Pero paglilinaw ni Alvin, ang April billing ay para lamang sa electricity consumption noong Marso.

“Ibang usapin pa yung consumption natin sa April at May. Siyempre magpi-peak yung summer," paalala niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to Manila Electric Company’s (Meralco) announcement of a PHP0.53 per kilowatt-hour increase for April 2026 billing.
PHOTO/S: Meralco / Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results