Ipinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 60-day automatic price freeze sa lahat ng basic commodities sa buong bansa.
Kasunod ito ng deklarasyon ng state of national calamity dahil sa pinsalang dulot ng Typhoon Tino.

Ang anunsiyo sa price freeze ay ibinahagi ng DTI sa official Facebook account nito ngayong araw, November 7, 2025.
Ang DTI ang namumuno sa National Price Coordinating Council (NPCC).
Read: DSWD to social-media users: Don’t use disabilities as content
DTI ON STEADY STOCK OF BASIC NECESSITIES
Sa inilabas na statement, sinabi ng DTI na ang ipinatutupad na price freeze na inaprubahan last November 6 ay matatanggal lang kapag ipinag-utos na ng Malacañang.
Nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa lahat ng members ng NPCC para matulungan ang consumers ngayong critical period.
“The DTI is working round-the-clock with manufacturers, retailers, and distributors to ensure sufficient and steady stock of basic necessities and prime commodities.
“All DTI Regional and Provincial Offices are on heightened alert and mobilized to enforce compliance with the price freeze and maintain adequate supply nationwide.”
Read: Catholic group to Filipinos: Join second Trillion Peso March
OVERPRICING OF GENERATORS, ESSENTIAL PRODUCTS REPORTED IN BACOLOD CITY
Kasunod ng deklarasyon ng national state of calamity, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na gumawa ng decisive action laban sa overpricing and profiteering.
Kasunod ito ng mga ulat na may mga establisyemento sa Bacolod City na diumano ay doble ang presyo ng ibinibentang generators at iba pang essential goods, kasabay ng isinasagawang typhoon response.
Inaalam na ng DILG at ng Philippine National Police (PNP) ang validity ng mga sumbong na ito.
Sa inilabas na statement ni DILG Secretary Jonvic Remulla, binigyang-diin niyang ang public emergencies ay hindi excuse para manamantala ng mga tao.
Pinaalalahanan niya ang LGUs na tiyaking ang mga presyo ng basic goods ay nananatiling fair and reasonable.
Nagbabala rin siyang papapanagutin ang mga negosyong mananamantala.
Read: Artist auctions obra maestra to help flood victims in Pampanga
DILG TOLD LOCAL LEADERS TO NOT LEAVE THE COUNTRY, LEAD LOCAL RESPONSE OPERATIONS
Sa ilalim ng Local Government Code at ng Philippine Disaster Reduction and Management Act, ang Local Chief Executives (LCEs) ay may mandato na magpatupad ng emergency measures at pangunahan lead disaster response efforts bilang pinuno ng kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs).
Dahil sa pagdedeklara ng state of national calamity, sinabihan din ng DILG ang lahat ng governors, mayors, at barangay officials na huwag munang lumabas ng bansa o bibiyahe kahit may naka-schedule na foreign travel.
Ito ay upang matiyak na direkta nilang mapapangasiwaan ang local response operations, at makapaghatid ng tulong sa kanilang mga nasasakupan.
Dapat ding i-activate ng LGUs ang kani-kanilang Local Price Coordinating Councils (LPCCs) para ma-monitor at mapigilan ang sobrang pagtaas ng presyo ng basic necessities and prime commodities.
Read: Government workers to get PHP5K cash gift, bonus this November
