Nagtataka ka ba kung bakit lagi kang pinapapak ng mga lamok?
At nangyayari ito kahit may mga kasama ka.
Totoo ito. May mga taong tinatawag na “mosquito magnets.”
Maaari nating i-presume na kahit sino ay puwedeng kagatin ng mga lamok—pero ayon sa pag-aaral ng mga scientist, may pagkapihikan din pala ang mga ito at namimili kung kaninong dugo ang sisipsipin.

Ang phenomenon na ito ay matagal nang pinag-aaralan ng mga expert.
Natuklasan nilang pinipili lang ng mga lamok ang specific na taong kakagatin.
Ito ang dahilan kaya may mga hindi pa nakaranas makagat ng lamok, habang ang iba ay laging tadtad ng pantal na mapupula matapos nilang maging biktima.
Read: Tips: How to repel mosquitoes using toilet paper and toothpaste
MOSQUITO BITE IS DANGEROUS
Bukod sa nakaiirita, ang kagat ng lamok ay mapanganib sa kalusugan.
Nagdadala ang mga ito ng iba’t ibang sakit na naipapasa nila sa mga tao.
Kagat din ng lamok ang pinagmumulan ng isa sa pinakadelikadong sakit sa Pilipinas—ang dengue.
Read: Helpful tips and trivia to fight dengue at home
MOSQUITOES AFTER PEOPLE WHO PRODUCE MORE CARBON DIOXIDE, LACTIC ACID
Isa sa mga tumutok sa pagiging picky ng lamok sa taong bibiktimahin ay ang entomology professor na si Jonathan F. Day.
Nagtuturo si Jonathan ng medical entomology sa University of Florida sa U.S.
Ang kanyang research ay naka-focus sa mosquito behavior, control, at diseases na kanilang nai-transmit.
Bilang expert sa naturang field, nakapaglathala na si Jonathan ng mga pag-aaral tungkol sa mosquito repellents at kanilang oviposition behavior.
Ang kanyang research ang ginawang basehan para sa mosquito disease surveillance program ng Florida.
Sa ulat ng news website na Wide Open Spaces noong June 5, 2025, ibinahagi ni Jonathan ang kanyang hypothesis kung bakit may mga taong mosquito magnet.
Aniya: "The amount of CO2 [carbon dioxide] you produce, like people with high metabolic rates—genetic, other factors—increases the amount of carbon dioxide you give off.
"The more you give off, the more attractive you are to these arthropods."
Paliwanag niya, ang lactic acid, ang chemical na nagiging dahilan kung bakit nagka-cramp ang ating mga masel, ang isa rin sa mga dahilan para ma-attract ang mga lamok.
Read: Five things you should know about deadly mosquitoes causing Dengue and Zika virus
CLOTHING, BODY HEAT ALSO ATTRACT MOSQUITOES
Pinipilahan din, ani Jonatahan, ng mga lamok ang mga taong mahilig magsuot ng dark clothing.
"How you’re dressed matters.
"If you have dark clothes, you are going to attract more [mosquitoes] because you’ll stand out from the horizon, whereas those wearing light colors won’t as much."
Tinukoy rin niya ang body heat bilang isa pang “really important tactile cue” para sa mga lamok.
Gustung-gusto ng mga ito ang mga taong mataas ang temperatura o mainit ang singaw ng katawan.
Dahil dito, madalas kagatin ng lamok ang mga nag-exercise, mahilig uminom ng alak, buntis at matataba.
Read: Solenn Heussaff, Nico Bolzico on a mission for dengue-free home
PEOPLE WITH BLOOD TYPE O ARE MOSQUITO MAGNETS
Sa kabila ng mga factor na nabanggit, batay sa pananaliksik ni Jonathan, may isa pang unique sa mga taong mosquito magnets—ang kanilang blood type.
Nase-sense ng lamok ang pabagu-bagong antigens na present sa surface ng red blood cells, depende kung anong type ng dugo.
Batay sa mga pag-aaral ni Jonathan at iba pang scientists, paborito ng mga lamok ang mga taong may blood type O.
Sa isang research na isinagawa noong 1974, nag-recruit ang mga expert ng 102 participants para alamin kung anong qualities ang hanap ng lamok sa nagiging biktima.
Karamihan sa participants na may blood O type ang nakaranas makagat.
Ganito rin ang naging resulta ng isinagawang pag-aaral noong 2004, at lumabas na mas naaakit ang mga lamok sa blood group O subjects.
Sa isa pang research na isinagawa noong 2019, natuklasan ng mga scientist ang mataas na preference ng mga lamok sa blood O group sa kumpol ng participants na may iba’t ibang blood type sa feeders na kanilang nai-set up.
Kaya para sa mga taong type O ang dugo, isa itong hard luck.
Paalala ng mga expert, mainam na laging mag-apply ng repellant ang mga taong mosquito magnets para makaiwas magkasakit.
Gawin din ang nararapat na paglilinis ng paligid para mapuksa ang pagdami ng mga lamok sa inyong tahanan.
Read: Daan-daang palaka, pangontra sa dengue ng isang barangay sa Quezon City
