Ibinahagi ng netizen na si Trish Pazon Javier ang larawan ng isang aso na nakita umano niya sa Dr. Santos LRT 1 station.
Nag-post siya noong July 24, 2025, sa Facebook group na Dog Lovers Philippines.

Ang caption ni Trish: “Nakakaawa naman si Doggy. Nakikita ko siya palagi rito sa Dr. Santos station LRT 1.
“Sana may mag-rescue po, ang bait niya at maamo.
“Nanginginig na siya sa lamig. Di ko naman po mapakain kasi male-late na ako sa pupuntahan ko. At napakalakas na rin ng ulan.”
Read: Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls
PHOTO OF DOG GOES VIRAL; NETIZENS REACT
As of July 28, ang post ni Trisha tungkol sa dog ay nakakuha na ng 41K reactions, 1,707 comments, at 2.2K shares.
Sa larawan ay makikita ang local brown dog sa lugar na nabanggit.
Mapapansing may nagmagandang-loob na naglagay ng payong para hindi ito masyadong mabasa.
Batay sa naging talakayan sa post, maraming LRT commuters ang nakakita sa aso at nagpatunay na mabait nga ito.
May iba pa umano itong kasamahan, bagaman at nang makunan ng picture ay nag-iisa ito.
Sa tantiya ng mgaLRT commuters, tatlo ang asong tumatambay sa area na ito.
Sabi ng isang netizen: “Meron po yatang may-ari sa dog na iyan.
“Kasi before nung nagwo-work pa ako sa Gencon ng LRT 1 diyan sa Dr. Santos, may karinderya sa gilid [Gilidan's ang tawag namin] at marami silang aso.
“Baka isa siya sa mga aso nila. Diyan kasi talaga ang teritoryo nila bago pa itayo iyang istasyon.”
May mga nag-post din ng photos and videos ng naturang brown dog kasama ang iba pang aso noong hindi pa bumabagyo.

Anang isa na nag-post din ng larawan ng brown dog: "Pinapakain ko siya since last week.
"Sa mga nababa sa Dr. Santos Station, kung may pagkain man kayo na extra sana bigyan niyo po siya.
"Mabait naman siya at laging sabik makakain. Meron pa isang dog diyan, yung kulay white, mabait din."
May nadismaya naman sa dating may-ari sa aso.
Anito: “Mga aso ng mga vendor, ‘tapos pag umalis iiwan nilang kawawa. Sana ma-rescue ng shelter, kawawa talaga sila.”
Read: Parrot learns to order online and buys snacks
NETIZENS SHOW INTEREST IN ADOPTING THE DOG
Maraming netizens ang nagpakita ng interes na maampon ang aso.
Anang isang netizen sa FB group: “Saan po banda iyan? Manila po ba, di kasi ako pamilyar. Para if ever ma-rescue po. Kung wala naman pong owner.”
May nag-reply na nasa LRT 1 Dr. Santos Station- Parañaque City ang aso.
Komento naman ng isa pang interesadong maampon ang dog: “May kayang maghatid dito sa Bacoor? Adopt ko sila.
“Dadalhin ko sa kabilang bahay ko kasi wala akong dog doon. Dito po kasi, may anim na dogs na ako. Para may family na sila, kawawa naman.”
Matapos namang mabasa ang komentong ito, may netizens na nagsabing maihatid lang ang aso sa interesadong mag-ampon ay kaya nilang sagutin ang transportation fee.
May mga nag-suggest din ng mapagkakatiwalaang rider para maihatid ang aso sa gustong mag-ampon dito.
