Inilunsad ang 50-percent fare discount para sa senior citizens and Persons With Disabilities (PWDs) sa train systems ng Metro Manila ngayong July 16, 2025.
Saklaw nito ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2.
Ayon sa anunsiyo ng DOTr-MRT-3 sa Facebook, bahagi ito ng initiatives para matulungan ang vulnerable sectors na limitado ang kinikita.

Dahil dito, tumaas ng 30 percent ang fare discount mula sa dating 20 percent discount.
Noong June 20 ay nauna nang binigyan ng 50-percent discount fare ang mga estudyante.
Read: LTO: Renewal of driver’s license can now be done online
SENIOR CITIZENS, PWDS TO BENEFIT FROM PROGRAM
Ayon pa rin sa anunsiyo ng DOTr-MRT-3, ang effectivity ng dagdag na discount fare ay isinabay sa paggunita sa 47th National Disability Week, na mangyayari mula July 17 to 23.
Ito ay para mapalaganap, masuportahan, at maipagdiwang ang mga karapatan at dignidad ng lahat ng Pilipino, lalo na ang mga may kapansanan.
Ang tema ng okasyon ngayong taon ay “Innovation for Inclusion: Building Inclusive Communities Together.”
Read: LTFRB, DOTr to enforce "anti-sardinas" policy on PUVs
GOOD NEWS FOR MRT-3 COMMUTERS
Isa pang good news: Dumating na raw ang Dalian trains, na binili noong 2014 mula sa Chinese firm na CCRC Dalian Co.
Matatandaang unang na-deliver ang mga ito noong 2016, ngunit hindi agad nagamit dahil sa compatibility issues sa MRT-3 rail line.
Nagsagawa ang CCRC Dalian Co. ng modifications para maresolba ang compatibility issues nang walang dagdag na gastos mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Ang German firm namang TUV Rheinland ang nagsagawa ng technical evaluation and audit.
Bago ginamit ang Dalian trains, sumailalim sila sa safety checks and compliance procedures na isinagawa naman ng Sumitomo Corporation ng Japan—ang kasalukuyang maintenance provider ng MRT-3.
Kapag na-deploy ang kabuuang 48 Dalian trains, bawat unit ay kayang magsakay ng hanggang 1,200 pasahero.
Inaasahang made-decongest ang MRT-3, na kasalukuyang may average 380,000 passengers araw-araw.
Iikli rin ang train intervals—mula sa apat na minuto ay magiging dalawa at kalahating minuto na lang ang ipaghihintay ng mga pasahero.
