Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month ngayong June 2025, binigyang-pugay ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) ang heritage trees sa Metro Manila.
Sa isang Facebook post last June 11, kinilala ng DENR ang heritage trees bilang “natural monuments.”

Read: NCSC launches livelihood, training programs for senior citizens
HERITAGE TREES IN METRO, NOT JUST ECOLOGICAL TREASURES
Ang nakakalungkot, kadalasang napapabayaan ang mga heritage trees sa Metro Manila.
Karamihan sa mga ito ay nasalanta na rin ng mga kalamidad at mga insidente ng sunog.
Pero paalala ng DENR, ang mga ito ang buhay na tagapagtala ng ating kasaysayan.
Sila rin ang mga piping saksi sa mga nagdaang digmaan sa bansa at mga pagbabago.
Hindi lang sila mga ecological treasures kundi simbolo rin ng katatagan ng mga Pilipino.
Ayon sa post: “These trees are more than just towering figures in our urban landscape, they are living witnesses of our history, culture, and commitment to environmental sustainability.”
Read: Netizens react to students' 50% off fares on MRT-3, LRT-1, LRT-2
WHERE TO FIND HERITAGE TREES IN METRO MANILA
Sa kasalukuyan, 43 puno sa buong Metro Manila ang nakadeklarang heritage trees.
Labing-isa nito ang nasa Quezon City, at walo sa Maynila.
Ang iba pang lungsod na may designated heritage trees ay ang Caloocan City (5), Pasig City (4); habang may tigdadalawa naman ang Pasay City, San Juan City, Marikina City, Mandaluyong City at Makati City.
Tig-iisa naman ang Taguig City, Valenzuela City, Parañaque City, Muntinlupa City, at Pateros.

Isa sa pinakahuling nadagdag sa listahan ng heritage tress ang malapad na puno ng Balete sa Maybunga Rainforest Park sa Pasig City.
Idineklara ito noong June 2024.
Ang isa pa ay nasa Kasalikasan Park sa Bonifacio Global City sa Taguig—na idineklara noong November 2024.
Read: NPC releases guidelines for vloggers recording videos in public places
THE ICONIC HERITAGE TREES IN MALACAÑANG AND IN STA. ANA
Ang isa sa pinaka-iconic na heritage trees ay ang puno ng Balete na nasa harapan ng Malacañang Palace.
Ito ang pinakaunang opisyal na idineklarang heritage tree sa Maynila ng DENR noong 2011.
Nalampasan nito ang colonial regimes at martial law; at nasaksihan ang People Power.
Mahigit 100 years ols na ang puno ng Balete.

Ang isa pang sikat na heritage tree ay ang 200-year-old "baleteng baging" na matatagpuan sa Lichauco ancestral compound sa Sta. Ana, Maynila.
Isinalarawan ito noon ni former DENR secretary Ramon Paje bilang "witness to the decay of Sta. Ana and the Pasig River.”
Read: “No One Passed”: Netizens react to Special Board Exam results
WAYS OF DETERMINING POTENTIAL HERITAGE TREES
Ang Heritage Tree Program ay inilunsad noong 2009.
Layunin nitong maprotektahan at ma-preserve ang mahahalagang puno na ang edad ay 50 taon.
Kailangang ang diameter ng katawan ng puno ay isang metro o mahigit pa.
Dapat ding nagtataglay ito ng “significant aesthetic, historical, cultural, or ecological value.”
Para mapabilang ang puno sa inonomina bilang heritage tree, kailangan itong ampunin ng isang grupo o indibidwal na magiging tagapangalaga nito.
Ang bawat puno na idineklarang heritage tree ay hindi maaaring putulin o magtayo ng istraktura malapit dito kung walang pahintulot ang DENR.
Read: COMELEC resets July voter registration period to October
