Pinalawig ng Taiwan ang visa-free entry program nito para sa Philippine passport holders hanggang 2026.
Inianunsiyo ito ni Taiwanese Minister of Foreign Affairs Lin Chia-lung sa kanyang social-media account noong June 13, 2025.

Bago ang anunsyo, isinapubliko na rin ito ng foreign minister noong June 12, sa ginanap na Philippine Independence Day reception na inihanda ng Manila Economic and Cultural Office sa Taipei.
Read: Student chronicles 134 days of travel without gadgets
VISA-FREE EXTENSION AIMS TO STRENGTH BILATERAL RELATIONS, ATTRACTS MORE VISITORS
Maglalabas din ang Taipei Economic and Cultural Office sa Maynila ng opisyal na pahayag tungkol sa one-year extension ngayong June 16, ayon sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan.
Unang nakabilang ang mga Pilipino sa pilot visa-free program ng Taiwan noong November 2017.
Dahil dito, ang mga kababayang bumibiyahe sa Taiwan ay pinapayagang manatili roon nang visa-free sa loob ng 14 days.

Ayon sa MOFA: “MOFA will continue to review and finetune visa policies, with a view to strengthening bilateral relations and attracting more visitors while ensuring border and public security.
“MOFA will also continue to communicate with the governments of related countries to enhance visa treatment for Taiwan nationals and make their overseas travel more convenient.”
Read: Why tourists flock Japan's Benten Mountain, shortest mountain in the world
EFFECTIVITY AND DURATION OF VISA-FREE ENTRY
Sa inilabas namang pahayag noong June 14, sinabi ng MOFA na nagdesisyon ang Taiwanese government na palawigin ang visa-free privilege sa loob ng isang taon para sa mga mamamayan ng Thailand, Brunei at Philippines, mula August 1, 2025, hanggang July 31, 2026.
Ang kasalukuyang visa-free privilege policy na natatamasa ng mga Pilipino ay nakatakda na sanang matapos sa July 31, 2025.
Ang mga Pilipinong may trip duration na hanggang 14 days ay eligible para sa visa exemption.
Read: AMAZING! This 19-foot bridge connects Spain and Portugal
