Nagbabala ang Department of Health (DOH) noong June 3, 2025, sa napipintong "public health emergency" dahil sa pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) infections ngayong 2025.
Nagkaroon ng 500-percent increase sa bilang ng HIV cases sa mga kabataan, at karamihan sa mga tinatamaan ay mga lalaki.
Batay sa datos, may naitatalang 57 kada araw sa nakaraang tatlong buwan ng 2025 kumpara sa 37 new cases kada araw noong 2024.

Pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa sa isang video na inilabas ng DOH sa official Facebook account nito kahapon, June 3: "We now have the highest number of new cases here in the Western Pacific.
"What is frightening is, our youth make up many of the new cases.
"In fact, ang pinakabatang na-diagnose natin ay dose anyos po sa probinsiya ng Palawan.
"It would be in our interest to declare a public health emergency, a national emergency, for HIV to mobilize the entire society, the whole of government to help us in this campaign to reduce the number of new HIV cases."
Babala pa ni Herbosa, "Kapag hindi natin napigilan ang pagdami ng HIV, aabot tayo sa lagpas 400,000 people living with HIV."
Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, ang Pangulo ay maaaring magdeklara ng health emergency kung ang epidemya ay nagiging banta sa national security.
Matatandaang nagdeklara si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng health emergency noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Read: Free train rides for 3 companions of passenger in Metro Manila
HIV CASES HIGH AMONG FILIPINO MALES
Sa ulat ng DOH, ang 95 percent ng newly reported HIV cases ay mga kalalakihan.
Ang 33 percent nito ay edad 15 hanggang 24, habang ang 47 percent ay nasa age bracket na 25 to 34.
Ayon sa ahensiya, dahil sa pagdami ng mga kaso ay naaantala ang pagsisikap ng Pilipinas na tamaan ang global targets na itinakda ng United Nations sa kampanya nitong mawakasan na ang AIDS epidemic pagsapit ng 2030.
Sinabi ring HIV ang mas malaking problema sa Pilipinas kaysa monkeypox o Mpox.
Read: Barangay certificate no longer a voter registration requirement
SEXUAL CONTACT REMAINS PREDOMINANT MODE OF HIV TRANSMISSION
Hindi nagbigay-paliwanag ang DOH tungkol sa sanhi ng biglang pagtaas ng HIV cases.
Pero batay sa pinakahuling HIV/AIDS Surveillance Report, may 148,831 HIV cases sa buong bansa mula 1984 hanggang March 2025.
Naitala sa unang quarter ng kasalukuyang taon ang 5,101 cases, na mas mataas kumpara sa 3,409 cases noong 2024 sa katulad na period.
Ayon pa rin sa report, pakikipagtalik o sexual contact ang nananatiling predominant mode ng pagkahawa sa HIV.
Noong 2007, ang pagdami ng kaso ay iniuugnay sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.
Read: Health alert: Mpox cases on the rise in South Cotabato
HOW TO AVOID HIV INFECTION
Para makaiwas sa infection, pinapayuhan ng DOH ang publiko na i-practice ang combination prevention method o ang paggamit ng condom and lubricants during sex and pre-exposure prophylaxis.
Kung sa palagay ng isang indibidwal ay infected siya, nagkakaloob ang gobyerno ng free and confidential HIV test.
Ang mga magpopositibo ay kailangang magpakonsulta sa doktor para sa karampatang antiretroviral therapy, na nagpapabagal ng reproduction ng virus at nagpapababa ng risk of HIV transmission.
Nagkakaloob ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng enhanced Outpatient HIV Treatment Package—na may annual benefit na PHP58,500—para sa mga pasyenteng may HIV/AIDS.
Read: DOTr starts removing X-ray machines at MRT-3 stations; here's why
