Pabatid sa mga Pilipinong nais magbalik-tanaw sa alaala ng yumaong si Pope Francis:
Maaari nang masilayan ang sinakyan niyang Popemobile nang bumisita ang dating Santo Papa sa Pilipinas noong 2015.
Ang tinaguriang “Pope Jeep, na halaw mismo sa Filipino jeepney, ay gawang Pinoy.
Ang Pope Jeep ay idi-display sa Bellarmine Field ng Ateneo De Manila University, sa Loyola Heights, Quezon City, mula ngayong Miyerkules, Mayo 21, 2025, hanggang sa Mayo 25.
Ang announcement ay ipinost sa Ateneo de Manila website nitong May 20, 2025.
Si Pope Francis ay pumanaw, sa edad na 88, noong April 21, 2025.
Ang bagong papa ngayon ay si Pope Leo XIV.
Read: Pope Francis dies at 88

HOW SPECIAL IS THE POPEMOBILE?
Sinakyan si Pope Francis ang Pope Jeepney nang magpunta siya sa Pilipinas noong January 2015.
Sa kabila ng sama ng panahon noon, tinatayang anim na milyong katao ang dumagsa para masilayan ang Santo Papa sakay ng kanyang mobile, ulat ng ABS-CBN News kamakailan.
Sa kabila rin ng nakalipas na isang dekada, nananatiling nasa magandang kondisyon ang sasakyan at walang pinalitan o binago rito.
Ang nag-assemble ng sasakyan ay ang Armored Transport Plus Incorporated (ATPI).
Si Cardinal Antonio Tagle ang lumapit noon sa ATPI na gawin ang sasakyan matapos niyang makuha ang approval ng Vatican sa disenyo ng sasakyan.
Paliwanag ni Emil Lorenzo ng ATPI Special Project, espesyal ang Popemobile dahil ginawa nila ito alinsunod sa special request noon ni Pope Francis.
“Ang hiling niya non-armored, open type para ma-reach out niya yung mga tao,” ani Lorenzo.
Ang ATPI rin ang nagdisenyo ng Popemobile, isang armored vehicle, ni Pope John Paul II noon.
