Opisyal na inanunsiyo ng Department of Education na ang pagbubukas ng mga klase sa buong bansa para sa School Year 2025–2026 ay sa June 16, 2025.
Alinsunod ito sa inilabas na DepEd Order No. 012 s. 2025 last April 15.
Nilagdaan ni DepEd Secretary Sonny Angara, nakasaad sa order ang multi-year implementing guidelines on the school calendar and activities.

Ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo ay hudyat ng pagbabalik sa pre-pandemic school calendar.
Ayon sa bahagi ng kautusan ng DepEd (published as is): "In accordance with Republic Act (RA) No. 7797, titled an Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More than Two Hundred Twenty (220) Class Days, as amended by RA 11480, titled An Act Amending Section 3 of RA 7797, the school year (SY) shall consist of not more than 220 class days and shall start on the first Monday of June but not later than the last day of August."
Matatapos ang school year sa March 31, 2026.
In total, mayroong 197 class days, kabilang ang End-of-School-Year (EOSY) rites.
Sinabi ng DepEd na ang number of school days ay maaaring mabago batay sa mga hindi inaasahang pangyayari at mga direktiba sa hinaharap.
Read: Teachers' board exam to undergo revamp
DEPED SAYS PRIVATE SCHOOLS MAY ADOPT GUIDELINES
Ang mga private schools, Philippine Schools Overseas (PSOs), at state/local universities and colleges ay maaaring i-adopt ang guidelines na ito para sa kanilang school calendar, ayon sa DepEd.
Ang mahalaga, kailangan nilang sumunod sa mga probisyong itinakda sa ilalim ng RA 7797, as amended by RA 11480, on the required number of class days at ang pagbubukas ng SY.
Dapat ding i-report ng mga ito—in advance—sa mga regional offices ang anumang hindi inaasahang pagbabago mula sa mga nabanggit na guidelines.
Magsisimula naman ang mga aktibididad para sa pagpapatala ng mga estudyante at Brigada Eskwela mula June 9 hanggang June13, o isang linggo bago opisyal na magsimula ang SY.
Read: It's now a law: Non-college grads can finally earn degrees!
