PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips para tanggalin ang amoy kulob sa sasakyan

It’s quite complicated and needs a little patience.
by KC Cordero
Published Apr 18, 2025
Lady driving covering her nose
Maraming paraan para maging mabango ulit ang sasakyan. Kailangan lang ng konting tiyaga para matanggal ang mga di kaaya-ayang amoy nito. (Photo: Freepik)

Habang kampante kang nagmamaneho ng iyong sasakyan, bigla ka na lang may nalanghap na hindi kaaya-aya.

Aakalaing may namatay na hayop sa loob nito, yun pala, nag-amoy kulob!

Woman covering her nose
Hindi maiiwasang magkaroon ng bad odors ang loob ng sasakyan. Photo: Turtle Wax

Ang amoy kulob sa sasakyan ay nangyayari kapag napasok ito ng tubig, nabasa ang mga upuan at sahig, at hindi natuyo nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karaniwan ito kapag panahon ng tag-ulan, lalo na pag napadaan sa mga lugar na may baha.

Ang ibang amoy naman ay sanhi ng takeout food and drinks, sigarilyo, a buhok ng pets—gayundin ang pawis ng nagmamaneho nito.

Dagdag pa rito ang tinatawag na general wear and tear.

Kapag naluluma kasi ang sasakyan, nagkakaroon talaga ng amoy.

Read: Tips para ma-detect at ma-treat ang bukbok sa bahay

PAANO MAWAWALA ANG AMOY KULOB AT IBA PANG ODOR SA SASAKYAN

Paliwanag ng Longo Toyota dealership website, ang pagtatanggal ng amoy sa sasakyan ay masalimuot.

Para mawala ito, kailangang tamang produkto ang gagamitin sa pantanggal, at dapat ay may tiyaga.

Kapag nabasa ang loob ng sasakyan at naapektuhan ang mechanical at electical components nito, dalhin agad sa service center.

Kung kumpiyansa naman na walang trouble at nabasa lang talaga, i-park ang sasakyan sa open area.

Tanggalin ang mga upuan, linisin at i-vacuum, gayundin ang carpet para matanggal ang tubig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaari ring maglagay ng mga papel sa flooring para ma-absorb ang tubig.

Hayaang nakabukas ang mga pinto ng sasakyan para mas mabilis matuyo ang tubig at hindi mag-amoy kulob.

CLEANING SOLUTION: WHITE VINEGAR AND WATER

Ang acidic nature ng vinegar o suka ay nakakatulong para matanggal ang amoy, ayon sa website na Shell Australia.

Kapag inihalo ito sa tubig, nagiging epektibong natural cleaning solution ito, at kayang tanggalin ang mga nanigas na dumi at grasa sa loob ng sasakyan.

Hand wiping steering wheel
Pinaka-practical na gamiting panlinis sa hard surfaces ng sasakyan ang mixture ng white vinegar at tubig. Photo: Screenshot on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paghaluin ang equal parts ng white vinegar at maligamgam na tubig.

Mas damihan ang vinegar kung kinakailangan.

Maglubog ng malinis na basahan sa mixture, pigain, at ipunas sa hard surfaces.

Dahil may amoy rin ang vinegar, buksan ang mga bintana ng sasakyan para makalabas ang hangin.

Read: Tips kung paano linisin ang molds sa tiles

CLEANING TOOL: VACUUM CLEANER

Ang amoy ng sasakyan ay nata-trap sa upholstery, mats, at carpets.

Para matanggal ito, regular na i-vacuum ang mga nabanggit.

Alisin ang alikabok, buhok, dumi, at debris na naiipon at kalaunan ay nagkakaroon ng masansang na singaw.

Ilabas sa sasakyan ang lahat ng mats, floor liners, at car seats, saka i-vacuum nang todo.

Car being vacuumed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ang regular na pagba-vacuum sa sasakyan ay importante para matanggal ang mga dumi at debris na pinagmumulan ng bad odor. Photo: YouTube

Tiyakin ding na-vacuum ang lahat ng siwang lalo na ang mga singit-singit ng upuan at door panels.

Ganito rin ang gawin sa carpet.

Maoobserbahan na matapos mag-vacuum, magiging fresh ulit ang amoy ng sasakyan.

Read: Tips kung paano linisin ang thermos

CLEANING TIP: ODOR ABSORBERS

Ang baking soda at charcoal o uling ay parehong epektibong natural-odor absorbers.

Magwisik ng kaunting baking soda sa floor mats, car seats, at iba pang fabric surfaces.

Iwasan namang lagyan ng baking soda ang upholstery dahil posibleng mada-damage ito.

Magpalipas ng 15 minuto, at pagkatapos ay i-vacuum na ang baking soda.

Ipinapayo naman ng wesbite na Fur360 na maglagay ng ilang pirasong charcoal sa isang maliit na bowl at hayaan sa loob ng sasakyan for 24 hours.

Makakatulong daw ito para mabawasan ang amoy na hindi kaaya-aya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tips kung paano iwasan ang sobrang init sa loob ng kuwarto

CLEANING HACK: ESSENTIAL OILS AND AIR FRESHENERS

Nakakatanggal ng amoy sa sasakyan ang essential oils.

Maglagay ng ilang patak sa cotton balls o pieces of tissue paper at ilagay sa isang bahagi sa loob ng sasakyan.

Good option din ang paggamit ng air fresheners.

Available ito sa iba’t ibang scents—at puwedeng sprays, plug-ins o kaya ay scented clips.

Read: Tips para malinis at mapakintab muli ang gold jewelry

IBA PANG SOLUSYON SA AMOY NA HINDI MAWALA-WALA

Kung ang lahat ng pamamaraan na nabanggit ay hindi pa rin naging epektibo, may iba pang specialized options na available tulad ng odor bombs.

Nabibili ito sa car accessories stores.

Ang odor bombs ay specially formulated para mag-absorb ng masamang amoy.

Available ito sa iba’t ibang porma gaya ng solid blocks, sprays, o gels.

Iba’t iba rin ang scents nito at nagtataglay ng activated charcoal, baking soda, at iba pang natural odor neutralizers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maglagay ng isang piraso sa sasakyan sa loob ng 24 oras para matanggal ang bad odors.

Kung ang amoy ng sasakyan ay nanggagaling sa air vents, kailangang palitan na ang air filters o linisin ang AC system.

Kapag pinalitan ang air filters, natatanggal din ang mga dumi, alikabok, at debris na nagiging sanhi ng mabahong amoy.

Maaari ring gumamit ng odor-removing spray na sadyang nakadisenyo para sa car air vents.

I-spray ito sa vents and fan speed settings.

Hayaan muna sa loob ng ilang minuto bago i-on ang AC system.

Makakatulong ito para mabawasan ang amoy na nagmumula sa air vents.

Read: Tips para magkaroon ng germ-free home using safe disinfectants

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming paraan para maging mabango ulit ang sasakyan. Kailangan lang ng konting tiyaga para matanggal ang mga di kaaya-ayang amoy nito. (Photo: Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results