PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips kung paano linisin ang thermos

There are two tried-and-tested ways.
by KC Cordero
Published Apr 7, 2025
Photo of different thermoses
Kumpara sa karaniwang water flask, kailangan ang maingat na paglilinis sa thermos para hindi ma-damage ang insulation nito. Photos: (L) The Spruce Eats, (R) LoTech Sales

Ang function ng thermos ay para mapanatili ang init o lamig ng inumin sa original temperature nito.

Kung kape, dapat na mainit.

Kung tubig—lalo na kung summer—dapat na malamig.

Ito rin ang lagayan ng coffee, tea, cold water or soup kung papasok sa trabaho o kung anumang activity sa labas ng bahay.

Man with a thermos
Coffee, tea, or just plain water? Maraming klaseng inumin ang puwedeng ilagay sa thermos. (Photo: YVY Mate)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tips kung paano iwasan ang sobrang init sa loob ng kuwarto

PAANO NAGPA-FUNCTION ANG THERMOS

Ang thermos ay gumagamit ng vacuum-insulated technology para manatiling mainit o malamig ang laman nito.

Ang “bottle-within-a-bottle” design nito ay may vacuum sa pagitan ng dalawang walls.

Sa pamamagitan ng naturang vacuum, napapanatili ang temperature ng anumang laman ng thermos sa loob ng mahabang oras.

Photo of old thermos
Iba't iba ang sukat ng thermos, at marami ring puwedeng ilagay rito, mainit man o malamig. (Photo: Advnture)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa disenyong ito, hindi nagkakaroon ng heat induction, at napipigilan din ang pagkakaroon ng condensation sa labas.

Ang thermos ay may iba’t ibang brands, sukat at kulay.

May brand na “Thermos” ang mismong ginamit na pangalan.

Read: Tips kung paano linisin ang toilet tank

PAANO LINISIN ANG THERMOS

Pero paano ito linisin? Kung nilalagyan ito ng iba't ibang klase ng inumin, ano ang dapat gawin para mawala ang lasa?

Ayon sa website na EatingWell, iba ang istilo ng paglilinis ng thermos kumpara sa tipikal na reusable bottle o container.

Kailangan kasing ingatan ang insulation nito.

May dalawang paraan.

Ayon sa contributions ng mga users sa question-and-answer website na Quora, kung maglilinis ng thermos, maglagay ng kalahating tasa ng distilled white vinegar sa thermos at dagdagan ng isang kutsarang baking soda.

Photo of baking soda and vinegar
Isa sa pinakapraktikal gamitin sa paglilinis ng thermos ang kumbinasyon ng suka at baking soda. (Photo: Freepik)
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kumbinasyong ito ay lilikha ng chemical reaction at magkakaroon ng bubbles o mga bula.

Hayaan sa loob ng 10 minuto.

Lagyan ng hot water at gumamit ng bottle brush o cleaning cloth para malinis nang todo ang loob ng thermos.

Banlawan ng maligamgam na tubig.

Kung hindi pa satisfied sa linis nito, uliting muli ang proseso.

Read: Tips para malinis at mapakintab muli ang gold jewelry

Nirekomenda naman ng website na Food Republic ang paggamit ng yelo at asin, na may natural antibacterial properties.

Photo of salt and ice
Pinaka-available na materials sa paglilinis ng thermos ang asin at yelo. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maglagay ng crushed ice sa thermos at dagdagan ng dalawang kutsarang sea salt.

Ilagay ang takip at aluging mabuti.

Lagyan ng hot water at gumamit ng bottle brush o cleaning cloth para malinis nang todo ang loob.

Banlawan ng maligamgam na tubig.

Read: Tips para matanggal ang sebo sa plastic containers

MGA DAPAT IWASAN SA PAGLILINIS NG THERMOS

Kung maglilinis ng thermos, huwag gagamit ng chlorine o bleach—mga kemikal na masyadong matapang at maaaring makasira sa stainless-steel interior.

Huwag ding gagamit ng sobrang init o kumukulong tubig na posibleng ma-damage nito ang exterior.

Posible ring matunaw o mabiyak ang vacuum seal, na magiging dahilan para mawala ang proper insulation ng thermos.

Gamit ng flashlight ng mobile phone, silipin ang loob nito. May crack o punit ba? Napapanatili pa ba ang lamig o init?

If yes ang sagot sa dalawang tanong, panahon na para i-dispose ang thermos.

Read: Tips para magkaroon ng germ-free home using safe disinfectants

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpara sa karaniwang water flask, kailangan ang maingat na paglilinis sa thermos para hindi ma-damage ang insulation nito. Photos: (L) The Spruce Eats, (R) LoTech Sales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results