Isa sa mga karaniwang tanong ng mga gustong magpagawa ng bahay ay kung puwede bang pinturahan ang bubong.
Kung gawa sa metal ang bubong, ang sagot ay oo.
Ang pintura sa bubong ay nagbibigay ng fresh and vibrant look.
Nagdadagdag din ito ng extra layer of protection laban sa kalawang at iba pang elemento na makasisira rito.
Pero bago kayo magpapintura ng metal roof, may ilang bagay na dapat isaalang-alang.

Ang ilang metal—gaya ng galvanized steel—ay nangangailangan ng maingat na preparasyon bago pinturahan para hindi mabakbak ang pintura.
May iba ring metal roofs na hindi na kailangang pinturahan.
Mayroon na kasi itong specialized coating, na pinuprotektahan ang bubong para maging matibay at hindi kumupas.
Kapag pininturahan ang coating na ito, maaaring ma-compromise ang durability at lifespan ng metal roof.
Read: Paano palamigin ang bahay nang walang aircon ngayong summer?
THE PROS OF PAINTING A METAL ROOF
Anu-ano nga ba ang mga benepisyo kung pinturado ang metal roof?
Na-e-enhance ang curb appeal ng bubong kapag ito ay pinturado.
Ang sariwang pintura ay agad na nagpapaganda sa appearance ng bahay—at nagpapataas ng value kung ibebenta.

Napoproteksyunan ng pintura ang metal roof laban sa UV rays mula sa matinding sikat ng araw, ulan, at hangin.
Napapahaba rin nito ang lifespan ng metal roof.
Kapag bagong pintura ang metal roof, maaari pa itong tumagal ng hanggang 10 taon bago muling palitan ang mga yero—kaya malaking tipid ito sa inyong budget.
Kung pinturado ang bubong, may mga uri ng pintura na kayang i-deflect ang init ng araw.
Nakakatulong ito para hindi masyadong tumaas ang temperatura sa loob ng bahay—at puwedeng mabawasan ang inyong paggamit ng air conditioning unit.
Pag dating naman ng tag-ulan, lumalaki ang gastos para sa maintenance at repairs ng mga bahagi ng bahay na apektado ng tulo o leak. Ang pagpipintura sa metal roof ay nakakatulong para maiwasan ang mga gastos na ito.
Higit sa lahat, ang pagpipintura ng metal roof ay isang cost-effective alternative kaysa palitan ang lahat ng yero ng inyong bubong.
Read: Here are energy-saving hacks to reduce electricity bills
THE CONS OF PAINTING A METAL ROOF
Bagaman at maraming benepisyo ang pagpipintura ng metal roof, mayroon din itong ilang disadvantages.
Gaya ng nabanggit, hindi lahat ng metal roofs ay suitable para pinturahan.
Ang unang konsiderasyon ay ang budget. Mahal din ang magpapintura ng bubong.
Ang pinakamurang upa para sa isang laborer ngayon ay PHP800 kada araw.
Kung professional painter na ang magpipintura, posibleng ang rate nito ay nasa PHP1,500 per day.

Ang may-ari ng bahay pa rin ang bibili ng materials and tools gaya ng primer, pintura, iba’t ibang paint brushes and rollers, metal brush na panlinis ng dumi at kalawang, paleta, thinner, at masilya.
Kung walang mahihiraman ng hagdan para makaakyat sa bubong ang painter, kailangan ding bumili nito.
At kapag pinturado ang metal roof, mangangailangan na ito ng maintenance para mapanatili ang magandang kondisyon.
Kada taon, kailangang tingnan o inspeksyunin kung may natuklap na pintura na posibleng pagmulan ng rust o kalawang.
Kung mayroon, dapat itong linisin at patsehan agad para hindi kumalat o tuluyang mabutas ang yero.
Bukod dito, kada tatlong taon ay kailangang i-retouch ang pintura para magandang tingnan ang bubong.
Read: Problem with rats at home? Use peppermint to keep them away
OTHER FACTORS TO CONSIDER
Ang brand new galvanized steel roof ay hindi agad dapat na pinturahan.
Kailangan munang maghintay ng anim hanggang walong buwan para matanggal ang coating at oils nito na naiwan mula sa manufacturing process.
Kung gusto ninyong pinturahan agad ito, magkonsulta sa professional painter.
Maaari naman itong pinturahan gamit ang acrylic paint, polyester paint, at silicone-modified polyester paint.
Bago pinturahan ang metal roof, tiyakin na nasa maganda itong kondisyon.
Kailangang linisin munang mabuti, at tanggalin ang kalawang at mga bulok na bahagi.
Kung may kalakihan na ang damage, palitan na ang buong yerong apektado.
Alamin din ang building codes at homeowner association guidelines bago magpintura ng inyong metal roof dahil baka may restrictions sa kulay ng bubong.
In conclusion, ang pagpipintura ng metal roof ay magandang investment dahil napapahaba nito ang lifespan ng bubong at napapaganda ang aesthetic appeal ng inyong bahay.
Pero kung ang gastos sa pagpapapintura ay hindi kaya ng inyong budget, ikonsidera na lang ang pinaka-the best na alternative solution gaya ng palagiang paglilinis dito—lalo na pagkatapos ng panahon ng tag-ulan o kung may nagdaang bagyo.
Read: CHECK THIS OUT: Binangi, a house built without nails, steel
