PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Philippine government department acronyms you need to know

...aside from COMELEC.
by Mark Angelo Ching
Published Mar 7, 2025
DepEd, DSWD, Department of Finance, DILG, and Department of Justice logos
Do you know what DepEd, DSWD, and DILG stand for? And what's the acronym for Department of Finance, Department of Justice, and Department of Foreign Affairs.
PHOTO/S: government websites

Alam mo ba kung ano ang COMELEC?

Ilang araw nang pinag-uusapan ang sangay ng gobyernong ito, hindi dahil sa pulitika, kundi dahil sa isang viral moment.

Read: Sexy Babe candidate's COMELEC slip fuels call for civic education

Nabanggit kasi ng contestant na si Heart Aquino sa "Sexy Babe" segment ng It’s Showtime na hindi niya alam kung ano ang COMELEC.

Read: Who is Heart Aquino?

Dahil dito ay na-bash si Heart.

Ang latest: Nagpunta si Heart sa opisina ng COMELEC, kung saan nagkaroon siya ng personal tour at discussion with Chairman George Erwin Garcia at ilang miyembro ng press.

Pero hindi maikakaila na hindi nag-iisa si Heart sa mga kabataan at young adults na hindi pamilyar sa COMELEC at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ang sabi ni Heart ay kinabahan siya kaya hindi nakasagot nang tama, pero kung magpapa-quiz sa mga kabataan ngayon, ilan kaya ang magiging correct answers nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simulan natin sa executive branch ng gobyerno na madalas mabanggit sa mga balita.

THE PHILIPPINE GOVERNMENT's EXECUTIVE DEPARTMENTS

Narito ang mga acronyms at ilang detalye tungkol sa functions ng 22 departments.

DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG)

Pinangangasiwaan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Ang ahensiya ring ito ang nagpapanatili ng kapayapaan, sa pamamagitan ng maayos na pamamahala sa mga lungsod, munisipalidad, at barangay.

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE (DND)

Pinuprotektahan nito ang bansa laban sa mga banta sa kapayaan at seguridad nito.

Ito rin ang nangunguna sa disaster preparation and management.

Nasa ilalim nito ang:

  • Armed Forces of the Philippines (AFP)
  • Office of Civil Defense (OCD)
  • Philippine Veterans Affairs Office (PVAO)
  • National Defense College of the Philippines (NDCP)
  • Government Arsenal (GA)
  • Veterans Memorial Medical Center (VMMC)
Department of Health or DOH logo
What does DOH stand for?
Photo/s: sachdeva on cleanpng
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEPARTMENT OF HEALTH (DOH)

Tiyak na marami ang nakakaalam kung ano ang DOH dahil lagi itong laman ng balita noong pandemic.

Ang DOH ang nangangasiwa sa kalusugan ng publiko sa Pilipinas.

Responsable ito sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan, pagpigil sa pagkalat ng sakit, at pagtiyak na may dekalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino.

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD)

Kilala naman ang DSWD dahil ito ang ahensiyang nilalapitan ng mga taong may mahigpit na pangangailangan, tulad ng mga maysakit at mga mahihirap.

Ang DSWD din ang nangangasiwa sa pamimigay ng ayuda, tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at mga food packs sa mga biktima ng trahedya at sakuna.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH)

Palagi ring nasa balita ang DPWH dahil responsable ito sa pagtatayo, pagsasaayos, at pagpapanatili ng pampublikong imprastraktura sa buong bansa.

Kasama rito ang mga kalsada, tulay, gusali, flood control systems, at iba pang istrukturang mahalaga sa kaunlaran ng Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr)

Ang DOTr ang ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa transportation system ng bansa.

Responsable rin ito sa land, air, and sea communications infrastructure.

Department of Information and Communications Technology (DICT)

Ito ang in charge sa planning, development, and promotion ng information and communications technology (ICT).

Kadikit nito ang tatlong ahensiya:

  • Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC)
  • National Privacy Commission (NPC)
  • National Telecommunications Commission (NTC)

DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED)

Kung estudyante ka ng pampublikong paaralan, malaki ang chance na alam mo kung ano ang DepEd. Ito kasi ang nangangasiwa sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Ito rin ang nagtatakda ng mga kurikulum na ginagamit sa mga paaralan.

Ang ahensiyang ito rin ang kadalasang nakakatanggap ng pinakamalaking budget mula sa pamahalaan. Sa katunayan, halos 800 billion pesos ang budget ng DepEd para sa taong 2025.

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY (DOST)

Ang sangay na ito ng gobyerno ay responsable sa mga polisiya, proyekto, at scientific and technological research na maglulunsad ng national development

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangunahing gawain nito ay ang pangangasiwa ng comprehensive National Science and Technology Plan.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA)

Kapag naririnig ang DFA, agad pumapasok sa isip ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.

Pero ito ang nakasaad na mission sa website nito: "To promote and protect Philippine interests in the global community," kabilang ang "territorial integrity and national sovereignty" pati na rin "rights and welfare" ng mga Pinoy na nasa abroad.

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS (DMW)

Pamilyar naman sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang DMW, dahil ito ang ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa kanilang karapatan at proteksiyon habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Layunin ng DMW na tiyakin ang maayos, ligtas, at makataong pagtatrabaho ng mga Pilipino abroad at pagbibigay ng suporta sa kanilang mga pamilya.

Lumalaban din ang DMW sa mga illegal recruiter at human trafficker.

Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)

Ito ang in charge sa housing development ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa ilalim nito ang:

  • Environmental, Land Use and Urban Planning and Development Bureau (ELUPDB)
  • Homeowners Associations and Community Development Bureau (HOACDB)
  • Housing and Real Estate Development Regulation Bureau (HREDRB)

Ang mga government agencies ay kadikit ng department for policy and program coordination:

  • Home Development Mutual Fund (popularly known as Pag-IBIG Fund)
  • Human Settlement Adjudication Commission (HSAC)
  • National Housing Authority (Philippines) (NHA)
  • National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)
  • Social Housing Finance Corporation (SHFC)

DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ)

Ito ang principal law agency ng gobyerno at nagsisilbing legal counsel and prosecution arm nito.

Ang pangunahing layunin nito ay ipatupad ang batas.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA)

Responsibilidad ng DA ang pag-unlad ng agrikultura, pangangalaga sa mga magsasaka at mangingisda, at paninigurong may sapat at abot-kayang pagkain ang mga Pilipino.

Layunin din ng DA na tumulong sa mga magsasaka sa mga panahon ng kalamidad, tulad ng matinding tagtuyot o mga malalakas na bagyo.

Kasama rin sa mandato ng DA ang pag-develop sa mga Philippine agricultural products para maaari silang mai-export sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Department of Agrarian Reform (DAR) logo
What does DAR mean?
Photo/s: http://www.dar.gov.ph

DEPARTMENT OF AGrarian reform (DAr)

Responsibilidad ng DAR ang implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa pamamagitan ng pagbibigay ng land tenure sa mga magsasakang hindi pag-aari ang lupang sasakahan.

Nagbibigay rin ito ng suporta sa agribusiness at serbisyong legal sa mga beneficiaries ng CARP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEPARTMENT OF FINANCE (DOF)

Ang main function nito ay i-manage ang financial resources ng bansa.

Ayon sa website nito, nakikipag-ugnayan ang department sa iba't ibang ahensiya para sa "fiscal policies, revenue operations of all local government units, pati na rin "review, approval and management of all public sector debt."

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM)

Ito ang nangangasiwa sa national budget ng Pilipinas, at sinisiguro nitong nagagamit sa tama ang government funds.

Department of Trade and Industry or DTI logo
What is the meaning of DTI?
Photo/s: https://www.dti.gov.ph/dtilogo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEPARTMENT OF TRade and industry (dti)

Sa DTI kukuha ng certificate bago mabuksan ang isang business.

Ito ang ahensiya ng gobyerno na responsable sa pagpapaunlad ng negosyo, pangangalaga sa karapatan ng mga mamimili, at pagpapalakas ng kalakalan at industriya sa bansa.

Layunin din ng DTI na manghikayat ng mga foreign investors para lalo pang mapalakas ang ekonomiya ng Pilipinas.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE)

DOLE naman ang ahensiya ng gobyerno na may layuning protektahan ang karapatan ng mga manggagawa.

Kasama sa misyon nito ang pagtitiyak na patas ang sahod at nasusunod ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Tumutulong din ito sa mga naghahanap at nawalan ng trabaho.

DEPARTMENT OF TOURISM (DOT)

Alam mo ba na ang industriya ng turismo ay isa sa mga nagtataguyod ng ekonomiya ng Pilipinas?

Sa katunayan, umabot ng higit 760 billion pesos ang revenue ng bansa sa turismo noong 2024. Ito ay ayon sa DOT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layunin nitong hikayatin ang mas maraming turista, pagandahin ang turismo sa bansa, at suportahan ang mga negosyo at manggagawa sa industriya ng turismo.

DEPARTMENT OF ENERGY (DOE)

Hawak ng department na ito ang lahat ng may kaugnayan sa energy exploration, development, utilization, distribution and conservation.

DEPARTMENT OF enviroment and natural resources (DENR)

In charge ito sa conservation, pangangasiwa, pagpapaulad, at paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas.

Kadikit nito ang mga sumusunod na bureaus:

  • Environmental Management Beurau
  • Mines and Geosciences Bureau
  • Forest Management Bureau
  • Land Management Bureau
  • Biodiversity Management Bureau (dating Protected Areas and Wildlife Management Bureau)
  • Ecosystems Research and Development Bureau

Pati na rin ang mga sumusunod na ahensiya:

  • Laguna Lake Development Authority
  • National Mapping and Resource Information Authority
  • National Water Resources Board
  • Natural Resources Development Corporation
  • Palawan Council for Sustainable Development
  • Philippine Mining Development Corporation

OTHER GOVERNMENT AGENCIES

BUREAU OF INTERNAL REVENUE (BIR)

Ito ang sangay ng gobyerno na nangongolekta ng buwis mula sa mga mamamayan at mga negosyo. Ito rin ang nagpapatupad ng mga batas sa pagbubuwis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pondong nakokolekta ng BIR ay ginagamit upang pondohan ang mga proyekto ng gobyerno tulad ng imprastraktura, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan.

Noong March 4, 2025, tinanggap ni Vice Ganda ang isang parangal matapos siyang maging isa sa mga top taxpayers sa Quezon City.

Sa kanyang acceptance speech ay ipinahayag niya ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis sa BIR.

Sinabi niya ring karapatan ng mga mamamayan na alamin kung saan napupunta ang kanilang buwis.

"Kaya kung obligasyon nating magbayad, karapatan din natin obligahin ang mga tatanggap at gagamit ng perang ibinabayad natin dahil hindi madali kung paano natin kinita ang ipambabayad natin ng buwis,” sabi ng Kapamilya star.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI)

Bawat empleyadong Pilipino ay kinakailangang makipag-ugnayan sa bureau na ito para sa NBI clearance.

Ayon sa website, kabilang sa main functions nito ang mga sumusunod:

  • investigate crimes and other offenses both on its own initiative or as public interest may require
  • act as national clearing house of all criminal records
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
MTRCB logo
What is MTRCB?
Photo/s: File

Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)

Ito ang ahensiyang nagbibigay ng rating sa mga pelikula at show na napapanood.

Kaya rin nitong magpatawag ng mga artista, magpataw ng sanctions, at mag-delete ng mga eksena na "immoral, indecent, contrary to law and good customs," ayon sa Chapter III and Section 6 ng rules and regulations nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Do you know what DepEd, DSWD, and DILG stand for? And what's the acronym for Department of Finance, Department of Justice, and Department of Foreign Affairs.
PHOTO/S: government websites
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results