PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marikina starts Car-Free Sundays for healthy lifestyle

Manila, Makati, and Quezon City also have their own Car-Free Sundays.
by Bernie V. Franco
Published Mar 3, 2025
Marikina joggers
Marikina City will implement Car-Free Sundays, designating a portion of a street exclusively for pedestrians, runners, joggers, and bikers looking to stay active.
PHOTO/S: Marikita City PIO on Facebook

Para hikayatin ang mga taga-Marikina na mag-exercise tuwing weekends kasama ang pamilya, pinasinayaan ng pamunuan ng siyudad ang Car-Free Sundays simula Marso 2, 2025, Linggo.

Isang bahagi ng Gil Fernando Avenue Extension sa Brgy. Sto Niño ang magiging ekslusibo para sa mga naglalakad, nagdya-jogging, nagba-bike, pati na rin sa mga nagsu-Zumba.

Ang Car-Free Sundays ay tatagal mula ika-6:00 ng umaga hanggang ika-10:00 ng umaga, ayon sa Marikina PIO via Facebook.

"Ito ay isang hakbang upang bigyan ang ating mga residente ng ligtas at malinis na espasyo para makapaglakad, makapag-bike at makapag-bonding kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan," ani Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa launching ng weekly activity nitong Sunday.

Isinabay rin dito ang unveiling ceremony ng mural sa Bayan-Bayanan Access Road, para masilayan ang mga likhang sining ng mga taga- Marikina.

Tampok sa mural ang mga kilalang lugar at mga personalidad na bahagi ng kasaysayan ng Marikina City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa Marikina PIO, makikita rin sa saradong kalsada tuwing Linggo ang mga restaurants na maaaring kainan ng mga participants ng Car-Free Sundays.

zumba
Marikina City Local Government Unit is also implementing Car-Free Sundays to promote family bonding and active lifestyle.
Photo/s: Marikita City PIO on Facebook

Read: What is black sapote, a fruit that tastes like chocolate pudding?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAR-FREE SUNDAYS IN QC, MAKATI, MANILA

Noong January 2025, inanunsiyo nagsimula ang Quezon City ng Car-Free Sundays nito.

In-implement ito sa Tomas Morato Avenue, mula Timog Avenue hanggang Don Alejandro Roces Avenue, ayon sa opisyal na website ng Quezon City.

May dalawang phases ito: ang phase 1 ay tuwing first Sunday of the month, mula ika-6:00 hanggang ika-10:00 ng umaga.

Makalipas ang isang taon, ipapatupad ang phase 2, kunsaan gagawin ang car-free Sundays every other Sunday of the month.

Pagpasok din ng January 2025 ay inilunsad ng Makati ang Car-Free Sundays sa kahabaan ng Ayala Avenue—mula Salcedo HV Dela Costa hanggang Courtyard Drive.

Sarado sa mga sasakyan ang kalye mula ika-5:00 hanggang ika-10:00 ng umaga.

Noong May 2024 naman naglunsad ang Manila ng Car-Free Sundays sa bahagi ng Roxas Boulevard—mula Padre Burogs hanggang Quirino Avenue at nagaganap mula ika-5:00 hanggang ika-9:00 ng umaga.

Read: Topnotcher chooses PHP500K over brand-new car as incentive

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marikina City will implement Car-Free Sundays, designating a portion of a street exclusively for pedestrians, runners, joggers, and bikers looking to stay active.
PHOTO/S: Marikita City PIO on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results