Iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang diumano’y "ghost students” o undocumented beneficiaries ng Senior High School (SHS) voucher program.
Sila ay nakatala sa 12 private schools na nasa ilalim ng siyam na school division offices (SDOs).
Iniulat ito ng ahensiya noong February 18, 2025.

Sabi ni Secretary Sonny Angara: “We take these allegations seriously. Any form of misuse of public funds intended for critical education programs will not be tolerated.”
Kapag napatunayang may anomalya, agad ihihinto ang SHS voucher program ng sangkot na private school.
“This investigation is a necessary step as we pursue the truth and hold accountable those responsible,” ayon pa sa kalihim.
Read: PHP600K prize at stake in 20th GSIS National Art Competition
DEPED GATHERs EVIDENCE
Sa kasalukuyan, nangangalap na ang DepEd ng mga ebidensiya.
Pinag-aaralan na rin nito ang mga gagawing legal na hakbang para masampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mga private schools na sangkot, batay sa mga umiiral na mga batas at regulasyon.
Inihahanda na rin ang termination of accreditation ng mga ito kapag napatunayang guilty.
Read: Pag-IBIG launches raffle promo to attract new members
WHAT IS SENIOR HIGH SCHOOL VOUCHER PROGRAM
Ang Senior High School Voucher Program ay isang financial assistance program para sa mga estudyanteng nasa senior high school sa private schools.
Ang incoming Grade 11 students na nakatapos ng elementary sa public schools at mag-aaral sa private school ay awtomatikong makakatanggap ng voucher na nagkakahalaga ng PHP14,000 hanggang PHP22,500 sa loob ng isang taon.
Ang mga estudyante sa private schools na hindi grantees ng Education Service Contracting Program ng DepEd ay maaaring mag-apply para makasama sa SHS Voucher Program.
Tiniyak naman ng DepEd sa publiko na patuloy itong magkakaloob ng assistance sa mga lehitimong estudyante.
