Hindi na lang nagde-deliver ng items, naghahatid na rin ng pasahero.
Ito ang recent expansion move ng delivery and logistics services company na Lalamove.
Ni-launch ng company ang ride-hailing service nitong Lalamove Ride noong February 10, 2025.
Bahagi ng announcement sa website: “Lalamove is now entering the ride-hailing industry with Lalamove Ride, a new service available in the Lalamove app."
Tiniyak ding may “affordable rates” ang bagong service.

Read: Supreme Court: OFWs retain parental rights and custody of kids
HOW TO BOOK YOUR RIDE with lalamove
Ang pasahero ay maaaring pumili ng ibu-book kung car (Sedan 4-seater) ba o car XL (SUV/MPV 6-seater).
Nakalagay din ang step-by-step process kung paano mag-book ng ride:
PILIIN ang route
Tulad ng ibang ride-hailing apps, pagpunta sa app ay ipapasok ang pick-up location at destination.
Pipiliin ang type of vehicle na suitable sa pangangailangan.
Ito ang options: “car mini for an affordable ride, car for an economical option, and car XL for up to 6 passengers.”
I-confirm ang ride
Matapos ma-finalize ang pick-up location at destination, pipindutin ang “Confirm” button para i-book ang ride.
I-review ang ride order
Matapos ang confirmation, susunod dito ang Review Order.
Ilalagay dito ang iyong contact number at payment method. Puwede ring i-apply rito ang coupon.
Ang payment ay maaaring cash o top-up gamit ang electronic wallet o credit o debit cards.
Tiyakin lamang na may sapat na balance ang e-wallet para maiwasan ang hassle.
Puwedeng magdagdag ng driver notes kung may special requests.
Wait for your driver
Hintayin ang acceptance ng Partner Driver matapos mag-book. Mata-track ang driver sa pamamagitan ng map na makikita sa mobile phone.
Sit back and relax
Pagkasakay sa kotse, walang ibang gagawin kundi umupo at hintaying dumating sa iyong destination.
Rate your trip
Pagkababa sa iyong destination, may chance ka para i-rate ang iyong rider.
Kung satisfied sa biyahe, maaaring bigyan ang driver ng rating na 5 stars.
May option ding “add to your favorites” list para ma-prioritze sila sa susunod na bookings.
Read: How to open virtual Pag-IBIG account using loyalty card plus
AREAS AVAILABLE
Available ang ride-hailing services ng Lalamove mainly sa Metro Manila, National Capital Region (NCR), North Luzon at South Luzon.
Narito ang buong listahan:
Manila, NCR & South Luzon
- NCR
- Cavite
- Laguna
- Rizal
- Bulacan
North and Central Luzon
- Pampanga
- Angeles
- Mabalacat
- San Fernando
- Mexico
- Magalang
- Santo Tomas
- San Simon
- Apalit
- Minalin
- Tarlac
- Tarlac City
- Concepcion
- Bamban
- Capas
