Ibebenta ng National Food Authority ang rice stocks nito sa local government units at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa Metro Manila simula sa February 2025.
Inianunsyo ito ng Department of Agriculture ngayong January 16, matapos aprubahan ng National Price Coordinating Council (NPCC) ang isang resolusyon na nagdedeklara ng food security emergency para sa bigas.
Read: PhilHealth contribution rates almost doubled in the last 5 years

Read: UP Open University offers free 44 online courses
Sa isang panayam, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ibebenta ang bigas sa Local Government Units (LGUs) at iba pang Government-owned and controlled corporations (GOCCs), Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police sa halagang PHP36 kada kilo.
Ang LGUs, GOCCs, AFP, at PNP naman ang magbebenta nito sa kanilang constituents at mga kawani sa halagang PHP38 per kilo.
Read: PhilHealth increases members' benefits by up to 50% in 2025
NFA RICE MAY BE SOLD AT PHP38 PER KILO
Sa kasalukuyan, ang NFA ay may nakaimbak na 300,000 metric tons ng bigas sa mga warehouses nito.
Maging ang mga bagong stock ay maaaring ibenta sa ilalim ng food security emergency.
“Kapag nag-ano tayo ng emergency, kahit yung binili kahapon, basta mapa-mill namin, puwede na naming ibenta,” ayon kay Laurel Jr.
Dagdag pa ng kalihim, posibleng bumaba pa sa PHP33 kada kilo ang benta ng NFA sa bigas pagsapit ng buwan ng March.
Puwede aniya itong ibenta ng LGUs sa consumers ng PHP35 kada kilo.
Read: Here are tips to help you save and become debt-free in 2025
Ayon naman kay San Juan City Mayor Francis Zamora sa ginanap na council meeting na Metro Manila mayors sa DA, “Kung magkakaroon po tayo ng access sa ganyang presyo, sigurado pong maraming matutuwa.
“So, hinihintay lang po namin iyong pinaka-guidelines ng Department of Agriculture para maging tama po ang implementation namin.”
Read: DOH scraps purchase booklet requirement for senior meds discount
NFA RICE HINDI DAPAT GAMITIN NG MGA PULITIKO SA KAMPANYA
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, ang NFA ay hindi maaaring magbenta ng bigas sa publiko maliban na lang kung luma na o inabot na ng tatlong buwan ang stocks.
Pero sa ilalim ng PHP29 program ng DA, maibebenta lang ang old stocks na ito sa vulnerable sectors na kinabibilangan ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, persons with disabilities, at mga solo parents.
Ito ang dahilan kaya kinailangang aprubahan ng NPCC ang resolusyong nagdedeklara ng food security emergency para sa bigas.
Read: PHLPost launches ID that can be used for cashless transactions in the future
Ipinaalala naman ni Laurel Jr. na ang pangunahing layunin ng DA sa pagbebenta ng NFA rice ay para higit na maraming consumers at magsasaka ang makinabang.
Hindi aniya ito dapat gamitin ng mga pulitiko sa darating na midterm elections.
“Ang objective ng DA is ma-dispose namin yung stocks para makabili kami sa mga farmers na talagang nangangailangan na mabili namin yung palay nila.
“Napakaimportante na we have to keep our rice farmers profitable.”
Ayon sa DA, ang pambili ng bigas ay nasa 10 porsiyento ng kabuuang budget ng isang pamilyang Pilipino—at nasa 20 porsiyento kung mahirap ang pamilya.
Read: Commuters's horror stories about playing smartphones' audio without headphones on public transport
