PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PhilHealth increases members' benefits by up to 50% in 2025

May babayaran pa ba pag na-ospital?
by Bernie V. Franco
Published Jan 9, 2025
Philhealth, hospital patient
For 2025, Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth increases its medical benefits for some of medical services and coverage of members.
PHOTO/S: PhilHealth / Canva

Tinaasan ng hanggang 50% ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sasagutin nitong benefit packages sa ilang sakit, kabilang ang ilang mabibigat na medical procedures.

Naging epektibo ang adjustments na ito pagpasok ng Bagong Taon, January 1, 2025.

Halimbawa, ang low-risk pneumonia na dating PHP19,500 ang medical benefit sa member ay itinaas sa PHP29,250.

Ang isa pang good news: isa lang ito sa 9,000 medical case rates na nabigyan ng benefit increase.

Ayon sa interview ni Dr. Israel Francis Pargas, senior vice president health finance ng PhilHealth, sa PTV:

“Kung matatandaan niyo po noong February of 2024, nag-increase na po tayo ng thirty percent.

“And ngayon po, bago natapos ang taon, ay nag-increase po tayo ng another round.

"This time, fifty percent naman po, so around 9,000 packages starting January 1 admissions.”

Kabilang sa examples na ibinigay ay ang benefit packages for kidney transplant at angioplasty due to heart attack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdedetalye ni Pargas sa ulat ng GMA Integrated News, “Iyon pong ating kidney transplantation package na dati po ay PHP600,000, ngayon po ay aabot siya ng PHP800,000 to PHP2 million benefits package po.

“Iyong tinatawag na angioplasty na around PHP30,000 benefit ang ating package, ngayon po ay aabot na siya sa PHP530,000.”

Ang balita pa ni Pargas, maging ang outpatients ay makikinabang na rin sa PhilHealth:

“Yun pong mga pasyente na nadadala sa emergency room, pero hindi naa-admit, wala po silang mga benepisyo before.

“Pero ngayon po, we came out already with an emergency care package na kung hindi kinakailangang ma-confine, iko-cover at babayaran na rin po natin siya.”

Read: Practical tips to be financially capable this 2025

PHILHEALTH EXPANDS SERVICES THIS 2025

Sa panayam naman ni Pargas sa Teleradyo Serbisyo noong January 7, binanggit niyang pasok na rin sa sasagutin ang outpatient dental care.

Kabilang sa dental services ay ang oral cleaning, examination, oral prophylaxis, fluoride application, emergency tooth extraction, at application of sealants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga serbisyong ito ay maa-avail sa mga PhilHealth-accredited dental clinics at ng mga registered members ng Konsulta, ang comprehensive outpatient benefits program ng ahensiya.

I-click ito para sa dagdag na impormasyon tungkol sa Philhealth benefits.

I-click ito para naman sa listahan ng Accredited Konsulta Package providers.

Sa katanungan kung wala na bang babayaran ang isang miyembro kapag nagpa-ospital, nagbigay-linaw si Pargas.

Aniya, “Katulad po ng ating polisiya pagka po tayo ay nandodoon sa ward, nasa government facility, maaaring one-hundred percent po ay masasagutan na natin."

Kasama na rin daw rito ang ward o basic accommodation sa private facility.

“Dapat po iyon ay wala nang sisingilin sa inyo ang ospital,” ani Pargas.

“Pero kung nasa pribado po ay maaaring hindi po. Dito po sa ngayon, hindi po ito pakete na katulad po ng ating mga care rates.

“Kundi meron pong nakatalaga na amount para po, halimbawa sa emergency room, para sa doktor, para sa supplies na gagamitin, gamot na gagamitin, at kung may procedure po na gagawin, kasama po don na mababayaran natin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinumpirma naman ni Pargas na lahat ng mga Pilipino ay “miyembro” na ng PhilHealth.

Sabi niya, “Nakasulat sa batas ng Universal Health Care na bawat Pilipino ay miyembro na po ng PhilHealth at lahat po ay dapat makakuha ng benepisyo ng PhilHealth, so hindi po talaga puwedeng tanggihan [ng oospital] ang any member or any Filipino for that matter.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For 2025, Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth increases its medical benefits for some of medical services and coverage of members.
PHOTO/S: PhilHealth / Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results