Naglabas ng abiso ang Department of Health (DOH) kaugnay ng mga nagsisilabasang health concern sa isang Asian country.
Giit ng DOH, hindi pa verified kung totoo ang kumakalat na video sa social media.
May iba kasing nabahala na baka magdulot ito ng health scare, habang ang iba ay nagtatanong kung totoo nga ba ang ipinapakalat na impormasyon.
Read: Here's what you need to know about Type-1 diabetes in children
VIDEO CIRCULATING ONLINE
Ang video ay kuha sa isang crowded establishment na animo ay ospital, at karamihan sa mga tao ay naka-face mask.
Ang nagdulot ng pagkabahala sa karamihan ay ang caption.
Diumano, may kumalat na respiratory disease sa Asian country noong panahon ng Kapaskuhan.
Kahalintulad daw ng COVID-19 ang symptoms at wala pang vaccine para rito.
Unverified ang claim, pero maraming social-media accounts ang nagpakalat ng video nang hindi man lang inalam kung totoo o hindi.
Marami tuloy ang naalarma.
Ito ang naghudyat sa DOH para maglabas ng pahayag.
Read: Brushing teeth not enough; here are dental-care practices overlooked by Filipinos
DOH REACTS TO CIRCULATING VIDEO
Inilabas ng ahensiya ng gobyerno ang advisory sa pamamagitan ng Facebook post ngayong Biyernes ng umaga, January 3, 2025.
Ang titulo: “ON AN ALLEGED INTERNATIONAL HEALTH CONCERN”
Simula ng pahayag:
“Reliable sources currently do not support circulating posts on social media about an alleged international health concern.
“There is no confirmation from either the cited country or the World Health Organization (WHO).”
Iginiit din ng DOH na ang Pilipinas ay active participant ng Member States ng WHO na sumusunod sa International Health Regulations (IHR).
Ang IHR ay isang “established system” na nagbibigay ng reliable updates ukol sa international health concerns.
Tiniyak din ng DOH na maayos ang disease surveillance systems nito.
Nakasaad sa pahayag, “The DOH is actively verifying all information, and will keep the Filipino public updated."
May paalala rin sa mga netizens: “Please do not share questionable websites or online sources. Let us not spread misinformation and confusion.”
Batay naman sa comments section, maraming netizens ang talagang naalarma.
Pero may ilan sa kanila ang tinanong ang DOH kung totoo o peke ang claim.


Pero anu’t anuman, alerto ang DOH sa anumang update.
Paghihimok din nito sa publiko, maging maingat at makipagtulungan sa gobyerno para sa tamang impormasyon.
