Ipinakita na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang itsura ng bagong polymer banknotes na may denominations na PHP500, PHP100, PHP50.
Kabilang ang mga ito sa First Philippine Polymer (FPP) banknote series na gumagamit ng tagline na, “Smarter. Cleaner. Stronger.”
Nauna nang inilabas noong 2022 ang PHP1,000.
Maaari nang magpapalit at makuha ang mga bagong polymer banknotes ngayong December 23, 2024, para maihabol bilang perang pamasko.
Pero limitado muna ito sa Greater Manila Area. Inaasahang maidi-distribute ito sa iba pang rehiyon sa Pilipinas pagsapit ng Enero 2025.
Nai-present ng BSP ang mga bagong pera sa Malacañang nitong December 19, Biyernes.
Read: Why is polymer banknote better than paper banknote?
WHY FPP BANKNOTE SERIES IS BETTER
May sophisticated features laban sa counterfeiting ang FPP banknote series kumpara sa karaniwang perang papel.
Mas enviroment friendly din dahil meron itong lower carbon footprint, which means, nangangailangan ng less energy at resources para sa produksiyon.
At dahil makinis at madulas siya, hindi nagtatagal ang pagkapit ng bacteria at virus dito. Hindi rin siya nakaka-absorb ng water, oil, at dirt.
Mas matibay rin ito kumpara sa perang papel kaya’t mas magiging madalang ang pagpapapalit.
Higit sa lahat, may taglay itong tactile dots or embossed dots, vivid distinct banknote colors, at high contrast numerals, para sa visually-challenged people.
Read: BSP to release PHP500, PHP100, PHP50 polymer banknotes in 2025
RICH HERITAGE OF THE PHILIPPINES
Sa video na inilabas ng BSP, tinalakay ang disenyo ng bawat polymer banknote.
Sa PHP500 banknote, makikita ang larawan ng Visayan spotted deer at ang orchid na Acanthephippium.
Sa PHP100 naman ay tampok ang Palawan peacock-pheasant o ang tandikan, gayundin ang Ceratocentron, isang endangered orchid.
Sa PHP50 ay makikita ang Visayan leopard cat at ang Vida’s lanutan, isang malaking endemic flower na makikita sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bida rin sa mga bagong banknotes ang weaved designs mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na ipino-promote ang kultura at tradisyong Pilipino.
