Paper banknotes are out and polymer banknotes are in.
Kamakailan ay ipinagbigay-alam ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglalabas ito ng polymer banknotes para sa denominations na PHP500, PHP100, at PHP50.
Ilalabas ang new banknotes sa first quarter ng 2025, at kasama ang mga ito sa First Philippine Polymer (FPP) banknote series.
Read: BSP to release PHP500, PHP100, PHP50 polymer banknotes in 2025
No need to worry pagdating sa lumang perang papel dahil patuloy pa rin itong gagamitin.
Gradual daw ang magiging transition ng BSP bago tuluyang i-phase out ang mga ito.
Una nang naglabas ng polymer banknote na PHP1,000 noong 2022.
Read: Mas simple, mas matibay na PHP1,000 banknote, ilalabas ngayong April

WHAT are POLYMER BANKNOTES
Maituturing na isang upgrade ang polymer kumpara sa kasalukuyang paper banknotes.
Ayon sa blog ng Royal Dutch Kusters, ang materyal nitong synthetic polymer substrates (polypropylene) ay ginagamit sa paggawa ng plastic packaging, fiber, at textiles. In short, mas matibay ito.
At ang mas mahalaga: mas ma-e-enhance daw ang security features ng pera.
Sa inilabas na information sheet ng BSP, ginamit ang tagline na “Smarter. Cleaner. Stronger.” Alamin natin ang paliwanag sa bawat isa.
1. Smarter
Mas mahirap i-counterfeit ang polymer dahil sa complexity ng printed image nito at sophisticated security features.
Maraming bansang gumagamit ng polymer banknotes ang nakaranas ng pagbaba ng counterfeiting cases.
Kabilang sa mga bansang ito ay ang Canada, Australia, New Zealand, Malaysia, Mexico, Fiji, at Vietnam.
2. Cleaner
Dahil sa pagiging madulas at non-absorptive ng materyal, hindi ito madaling kapitan ng germs, kaya mas resistant sa dumi, virus, at bacteria.
Puwede ring linisin ang polymer banknote nang hindi ka mangangambang masisira o mapupunit ito.
3. Stronger
Mas magtatagal rin ito dahil mas resistant sa tubig, oil, dumi, at sa palagiang paghawak o paglukot.
Base sa studies, ang paper banknote ay may lifespan na tatlong taon, habang 7.5 years ang itatagal ng polymer.
Ayon din sa central banks na gumagamit nito, lower ang production costs.
CONS OF USING POLYMER BANKNOTES
Pero may mga disadvantages din ang paggamit ng polymer banknotes, ayon sa Royal Dutch Kusters blog.
Una ay mas mahirap itong i-fold.
Di ba’t nag-viral ito noon sa Pilipinas dahil hindi tinatanggap ang bagong PHP1,000 bills sa malls kapag folded?
Eventually, nabigyang-linaw ang isyu, at naglabas pa nga ang Department of Trade and Industry ng ganitong anunsiyo:
"Both paper and polymer banknotes—even when folded—as well as centavo coins(1) are legal tender in the Philippines."
Samantala, mas madulas ang polymer banknote kaya kapag naitabi sa ibang pera, maging conscious kapag nagbibilang o naglalabas kasi baka madoble o malaglag.
May risk ding mag-fade, which happened in Nigeria. Pero sinabi sa blog na posibleng may kinalaman ang klima roon.
Ginagamitan din ng animal fat ang paggawa ng polymer banknote, kaya sa ibang bansa tulad ng United Kingdom, naging isyu ito dahil umalma ang mga vegans at religious groups.
Bilang alternatibo, gumamit ng palm oil na ni-reject naman ng Bank of England dahil hindi raw environment-friendly ito.
