Marami pa rin ang nag-aalkansiya. Sila yung mga may gustong pag-ipunan.
Marami-rami rin yung ayaw magdala ng barya. Mabigat kasi.
Nangyayari ito kapag ang sukling barya ay inilalagay na lang sa isang bote o anumang container.
Pero may epekto pala ang ganitong habit na parami nang parami ang mga baryang naiuuwi sa bahay hanggang sa maipon.
Read: EcoWaste warns public about fake Labubu tumblers with high lead content

Read: PHLPost launches ID that can be used for cashless transactions in the future
Noong 2023, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may kakapusan ng coins ang Pilipinas.
Ayon sa BSP, bilyun-bilyong halaga ng coins ang nasa sirkulasyon sa ating bansa, pero dahil hindi na nare-recirculate o naiimbak lang sa bahay ay nagkakaroon ng artificial coin shortage.
Nagdudulot din ito ng pagkalugi sa BSP dahil patuloy itong nagpapa-mint ng coins sa halip na magpa-print ng banknotes.
Read: Cebu Pacific to offer direct flight from Manila to Sapporo, Japan starting January 2025
BSP NAG-INSTALL NG COIN DEPOSIT MACHINES
Para masolusyunan ang artificial coin shortage dahil sa improper storage or disposal, alam niyo bang noong June 20, 2023 ay inilunsad ng BSP ang paglalagay ng coin deposit machines o CoDMs sa mga malls sa Greater Manila Area.
Read: Two co-branded credit cards launched, offering high rewards, cashbacks

Read: DOLE to first-time job seekers: Avail of free pre-employment docs
“This will make it more convenient for Filipinos to deposit their idle coins, helping recirculate them back into the economy while promoting cashless transactions,” ayon sa BSP.
Ang CoDMs ay tumatanggap ng lahat nang denominations kabilang ang isang sentimo, singko, diyes, 25 sentimos gayundin ang PHP1, PHP5, PHP10 at P20 coins ng BSP Coin Series at ng New Generation Currency Coin Series.
Read: Cardinal Sin’s old house now a museum
COINS NA INIHULOG SA CODMS, NAKO-CONVERT SA E-WALLET
Ang inihulog na coins sa CoDMs ay naiko-convert sa e-wallet credits gaya ng GCash o Maya, o kaya ay shopping vouchers.
Ipinapaalala naman ng BSP sa mga magdedeposito ng coins sa CoDMs na ang mga baryang ihuhulog dito ay hindi dapat pagsama-samahin gamit ang tape.
Kailangan ding huwag itong mahaluan ng ibang objects gaya ng butones, magnet, pako, tokens, turnilyo o tingga.
Ipinaalala rin ng BSP na dapat tiyakin ng magdedeposito ng coins na valid at active ang kanyang e-wallet account, at nasa prescribed transaction limits.
Read: Manila to give PHP2K cash gift to PLM, UDM graduating students
BSP NAKAKOLEKTA NA NG MAHIGIT PHP1B WORTH OF COINS
Makalipas ang isang taon matapos ilunsad ang programa, iniulat ng BSP sa official website nito noong November 15, 2024 na ang CoDMs ay nakatanggap na ng 280 milyong piraso ng iba’t ibang coins na katumbas ng mahigit PHP1 bilyon mula sa tinatayang 255,000 transaksiyon.
Patuloy na nakikipagtuwang ang BSP sa iba’t ibang retail establishments sa Greater Manila Area para makapag-install ng CoDMs at para mas mapalawak nang Coin Recirculation Program.
Naglabas ito ng listahan ng mga malls kung saan may CoDMs na maaaring pagdeposituhan ng coins:
- Robinsons Place Metro East, Pasig City
- Robinsons Place Novaliches, Quezon City (QC)
- Robinsons Place Antipolo, Rizal
- Robinsons Place Magnolia, QC
- Robinsons Place Ermita, Manila
- Robinsons Place Galleria, Ortigas
- Festival Mall, Muntinlupa City
- SM Megamall, Mandaluyong City
- SM City Grand Central, Caloocan
- SM City Marilao, Bulacan
- SM City Taytay, Rizal
- SM Hypermarket FTI, Taguig City
- SM Southmall, Las Piñas City
- SM City Sucat, Parañaque
- SM City Calamba
- SM City Marikina
- SM City San Mateo, Rizal
- SM City Valenzuela
- SM Mall of Asia, Pasay City
- SM City North EDSA, QC
- SM City Fairview, QC
- SM City San Lazaro, Manila
- SM City Bicutan, Parañaque
- SM City Bacoor, Cavite.
Plano ng BSP na maglagay rin ng CoDMs sa mg malls sa iba pang malalaking lungsod, gaya ng Cebu, Davao, Baguio, at iba pa sa taong 2025.
