Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko tungkol sa paggamit ng tatlong tumblers na may Labubu characters.
Ang EcoWaste Coalition, ayon sa Facebook page nito, ay isang "public interest and advocacy network of more than 150 community, church, school, environmental and health groups."
Ang babala ay inilabas sa social media noong November 25, 2024.
At ang tatlong tumblers na kulay pink, red, at yellow ay bahagi raw ng anim na unofficial o fake Labubu merchandise.
Read: Booksale set to start “new chapter”; to close some branches

Read: PHLPost launches ID that can be used for cashless transactions in the future
Ibinibenta ang mga ito sa halagang PHP275 kada isa.
Napag-alaman na mahigit 1,000 parts per million (ppm) ng lead—o tingga—ang na-detect sa tatlong tumblers.
Nakita ang taglay na lead sa pinturang ginamit sa mga tumblers sa pamamagitan ng X-ray fluorescence analyzer.
Ang itinakdang lead limit para sa pintura ay hanggang 90 ppm lang.
Read: Commuters's horror stories about playing smartphones' audio without headphones on public transport
LEAD CONTENT OF TUMBLERS
Sa inilabas na pahayag ng EcoWaste Coalition, sinabi nitong bagaman at ang reusable tumblers ay magandang pamalit para sa single-use bottles and cups, ang eco-friendly alternatives na ito ay dapat na ligtas sa mga delikadong sangkap, gaya ng lead sa pintura.
Dahil sa paulit-ulit na paggamit sa tumblers, nababakbak ang pinturang may lead at posibleng mainom ng gumagamit—na hindi alam ang panganib na hatid nito sa kalusugan.
“Exposure to lead, even at low doses, is hazardous to health,” ayon pa sa EcoWaste Coalition.
Read: Two co-branded credit cards launched, offering high rewards, cashbacks
THE DANGERS OF LEAD
Sa ulat ng World Health Organization (WHO), ang mga bata ang karaniwang prone sa exposure sa lead.
Maaaring maapektuhan ang development ng kanilang central nervous system.
May panganib din itong hatid maging sa mga nakatatanda, na maaaring magkaroon ng high blood pressure, cardiovascular problems, at kidney damage.
Kapag na-expose naman sa lead ang mga buntis, bumabagal ang paglaki ng baby sa sinapupunan, at maaaring manganak sila nang mas maaga.
Read: PhilHealth eliminates single period of confinement policy
STOPPING SALE OF FAKE LABUBU MERCHANDISE
Noong December 2016 at December 2019, sa pamamagitan ng Administrative Order 2013-24, o ang Chemical Control Order, ipinahinto na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggamit ng decorative and industrial paints na nagtataglay ng lead at mga compounds nito.
Pinagtibay naman ng Environmental Management Bureau ang mandatory na paggamit ng pintura nang walang halong lead sa paggawa ng mga laruan at mga kaugnay na produktong pambata noong 2016.
Read: Why do we hate how we look in photos?
Para maiwasan ang paglaganap ng mga pekeng Labubu tumblers at mga katulad na produkto, ipinanukala ng EcoWaste Coalition sa national government na magtalaga ng regulatory agency na magpapatupad ng pagbabawal ng lead paint sa mga products.
Dapat ding may kapangyarihan ang itatalagang regulatory agency na magtanggal sa mga pamilihan ng mga produktong non-compliant.
Read: DOLE to first-time job seekers: Avail of free pre-employment docs
ADVICE TO CUSTOMERS
Hiniling din ng EcoWaste Coalition sa mga importers na mag-angkat lang ng mga produktong may authentic certificates of conformity sa itinakdang 90 ppm lead limit para sa pinturang ginamit.
Inatasan din ang mga retailers at online sellers na humingi ng katulad na sertipikasyon sa suppliers bago magbenta ng anumang pinturadong water tumblers.
Pinaalalahanan naman ang mga mamimili na igiit ang kanilang karapatan sa sellers na malaman ang mga impormasyon kung de-kalidad at hindi mapanganib ang produkto.
Mas maigi ring bumili sa mga legit shops at huwag tangkilikin ang fake products.
