Safe magpunta at mamasyal sa Tagaytay sa kabila ng pag-aalburuto ng Taal Volcano.
Batay sa latest update ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Tagaytay, nananatiling nasa alert level 1 ang volcanic activity nito.
Ibig sabihin, “normal” at wala itong “significant effect," pahayag sa Facebook post ng Taal CDRRMO nitong October 10, 2024, Huwebes.
Nabanggit pa sa post, “Sa kasalukuyan, ang Taal Volcano ay nasa alert level 1 pa din po.
“Nagkaroon ng Minor Phreatic eruption/steaming activity at ito po ay NORMAL na nangyayari sa isang alert level 1 volcano at wala pong significant effect sa atin.”
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpunta mismo sa Taal Volcano Island (TVI), na nananatiling Permanent Danger Zone (PDZ).

Read: Fisherman from Quezon survives 46 days at sea
Reminder pa sa post ng Tagaytay CDRMMO: “Depende sa wind direction, may posibilidad na makaranas tayo ng vog subalit sa ngayon po ay wala tayong dapat ikabahala.”
Paalala pa nito, manatiling nakaantabay sa updates at announcements mula sa Phivolcs at local government.
Ang advisory ng Tagaytay CDRRMO ay ni-repost ng Tagaytay Tourism Culture Development ngayong Biyernes ng umaga, October 11.
Read: Three women kicked off flight for wearing crop top
PHIVOLCS SAYS IT IS SAFE TO TRAVEL TO TAGAYTAY
Kaugnay ng update ng Tagaytay CDRRMO, nagsabi rin ang Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nananatiling ligtas ang mag-travel sa Tagaytay habang nasa alert level 1 ang bulkan.
Matatandaang pumutoka ng bulkan isang linggo na ang nakalilipas. Tumagal ang eruption ng apat na minuto at nagbuga ng usok ang crater na may taas na 2,000 meters.
Ang activity na ito ay marahil sa sudden contact ng tubig sa maliit na bahagi ng shallow magma sa loob ng main crater, ayon sa Phivolcs.
"It's safe to go to Tagaytay. People just need to bring face masks to protect themselves in case of another eruption, or in case of ashfall or sulfur dioxide emission," pahayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol noong Lunes sa Bagong Pilipinas Ngayon sa PTV4.
Iginiit din ni Bacolcol na mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa PDZ.
