Makakatanggap ng PHP2,000 cash gift ang mga graduating college students ng dalawang eskuwelahan sa Maynila mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod.
Epektibo ito simula sa School Year 2023-2024.
Ito ay matapos aprubahan ni Manila Mayor Honey Lacuna noong August 29, 2024, ang City Council Ordinance 9068, na nagkakaloob ng cash gift sa bawat college student na magtatapos mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).
Read: Life story of Romeo Saporno Jr. and his 10-year college journey

Read: PEP Hanap Bahay: Condo-unit hunting near MRT stations
Narito ang nakasaad sa isang pahayag na inilabas ng Manila Public Information Office (PIO):
“Mayor Lacuna signed Ordinance Number 9068 this morning. Councilor Pamela Fugoso-Pascual and majority floor leader Councilor Ernesto C. Isip Jr. are the principal authors.
“The PHP2,000 ‘Taas-Noo Manileño Graduation Gift’ will be given to UdM and PLM graduates starting the school year 2023-2024.”
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
PHP2K CASH GIFT, MAGAGAMIT NG BAGONG GRADUATE SA PAGHAHANAP NG TRABAHO
Ang City Council na pinangunahan ni Vice Mayor Yul Servo Nieto ang nagpasa ng ordinansa sa idinaos na regular session ng12th City Council noong August 27.
Ang PLM at UdM ay pinamamahalaan ng Commission on Higher Education, at pinopondohan ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ayon kay Mayor Lacuna, makakatulong ang graduation gift sa mga graduates sa kanilang paghahanap ng trabaho.
Dagdag pa niya, “Hangad ng inyong pamahalaan na kahit papaano ay madagdagan ang inyong panggastos sa mga susunod na mga araw at linggo ng inyong job-seeking journey.”
Read: Jobseeker feels off when asked about “sexual orientation”
