PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Malacanang moves Ninoy Aquino Day to August 23

Long weekend alert!
by KC Cordero
Published Aug 15, 2024
Photo of Ninoy Aquino
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 665, inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa Ninoy Aquino Day, na mula sa orihinal na petsang August 21 ay gaganapin sa August 23. (Photos courtesy of Malacanang Palace and PCO)

Idineklara ng pamahalaan na special (non-working) day sa buong bansa ang Agosto 23, 2024, araw ng Biyernes, para sa obserbasyon ng Ninoy Aquino Day.

Inihayag ito ng official page ng Presidential Communications Office (PCO) ngayong araw, August 15, 2024.

Batay sa Proclamation No. 665 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa Ninoy Aquino Day—na mula sa orihinal na petsang August 21 (Wednesday) ay magiging August 23 (Friday).

Read: Lea Salonga, gaganap bilang ina ni Ninoy Aquino sa kanyang pagbabalik-Broadway

Photo of Proclamation 665
Ang kopya ng Proclamation 665. Photo courtesy of PCO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: JK Labajo on late senator Ninoy Aquino: "He spent most of his life with many people not believing him"

Ayon sa bahagi ng proclamation: “In order to provide for a longer weekend thereby promoting domestic tourism, the celebration of Ninoy Aquino Day may be moved from 21 August 2024 (Wednesday) to 23 August 2024 (Friday), provided that the historical significance of Ninoy Aquino Day is maintained.”

Inatasan din ang Department of Labor and Employment na maglabas ng kaukulang circular para maipatupad ang proclamation sa mga nasa pribadong sektor.

Read: Isang pagbabalik-alaala ng isa sa mga "bayani" ng EDSA Revolution...

ANO ANG NINOY AQUINO DAY?

Ang Ninoy Aquino Day ay isang paggunita kay former Senator Benigno Simeon Aquino Jr., mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino Jr.

Siya ang ama nina dating Pangulong Noynoy Aquino at Kris Aquino, at mister ni dating Pangulong Cory Aquino.

Bilang senador, naging pangunahing kritiko si Ninoy ni Pangulong Ferdinand Marcos, na ama ng kasalukuyang Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino reveals she has "no inheritance" from the late President Cory Aquino

Photo of Ninoy Aquino
Isang lumang larawan ni former senator Ninoy Aquino. Photo: Martial Law Museum

Read: Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson: "Hindi nila deserve ang kabastusan mo."

Pinaslang siya sa Manila International Airport (MIA) noong August 21, 1983.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa rin nalulutas ang pagpatay sa kanya hanggang ngayon.

Bilang parangal, pinalitan ang MIA at isinunod sa kanyang pangalan para maging Ninoy Aquino International Airport.

Ang kanyang pagkamatay rin ang naging sanhi ng upang mahikayat ng oposisyon na tumakbo sa pagka-Pangulo noong 1986 ang kanyang maybahay na si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos.

Read: Kris Aquino remembers late father Ninoy Aquino on his 84th birthday

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 665, inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa Ninoy Aquino Day, na mula sa orihinal na petsang August 21 ay gaganapin sa August 23. (Photos courtesy of Malacanang Palace and PCO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results