Tatlong overseas Filipino workers ang nasawi sa naganap na pagbaha sa United Arab Emirates (UAE). Iniulat ito ng Presidential Communications Office noong April 18, 2024.
Dalawang babae at isang lalaki ang mga nasawi.
STATEMENT RE: UNITED EMIRATES FLASH FLOODS PINOY CASUALTIES
Naglabas din ang Department of Migrant Workers (DMW) ng pahayag ukol sa insidente na naka-post sa official Facebook page ng ahensya.

Read: How to get NBI clearance for free
Ayon sa pahayag: “With much sadness, the Department of Migrant Workers (DMW) reports the deaths of three overseas Filipino workers (OFWs), two females and one male, as a result of the recent heavy flooding in the United Arab Emirates (UAE).
“The two females died due to suffocation inside their vehicle during the flooding. The third victim died due to major injuries sustained from an accident when his vehicle fell into a sinkhole at the height of the flooding.
“DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac and the entire DMW family offer our heartfelt condolences and sympathies to the families and relatives of our departed OFWs.
“The department assures the families of the three OFWs of its fullest support and assistance.
“The DMW’s Migrant Workers Offices and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Offices in Dubai and Abu Dhabi are working closely to provide all assistance to the families of the three OFWs.”
Read: PUP now offering online courses for parents
Sinabi rin ng DMW na nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Offices (MWO) sa Dubai at Abu Dhabi sa kanilang counterparts para maiuwi sa Pilipinas ang mga bangkay ng tatlong nasawing OFWs.
Read: Employee’s resignation allegedly refused by employer twice. Lawyers clarify this is illegal
AIRPORT AND ROADS AFFECTED BY UNITED EMIRATES FLASH FLOODS
Sa ulat naman ng news website na en.shampratikdeshkal.com ngayong araw na ito, April 20, 2024, unang nagkaroon ng bagyo sa Oman noong weekend kung saan nasa 20 katao ang nasawi.
Nanalasa rin ang bagyo sa UAE noong April 16 at nagdala ng napakalakas na ulan, na ngayon lang naranasang muli makalipas ang 75 taon.
Ang Dubai International Airport, isa sa mga pinakaabalang paliparan sa Middle East ay hindi pa rin maisaayos ang backlog ng flights hanggang ngayon dahil sa matinding pagbaha.
Nililimitahan pa rin ang arrival dito ng mga eroplano hanggang bukas, April 21.
Read: Defective national ID? Here's how you can apply for replacement
Sinuspinde rin ng Emirates, isa sa pinakamalaking international airlines sa buong mundo, ang pag-check-in ng mga pasaherong gustong magpunta sa Dubai.
Sinabi naman ng state carrier na Etihad na normal na ang flight operations nito sa Dhabi.
Ang main road na nagkokonekta sa Dubai at Abu Dhabi ay nananatiling partially closed dahil sa mga nabalahong kotse at bus.
Sa northern part ng UAE kabilang ang emirate of Sharjah ay naiulat na maraming residente ang hindi pa rin makalabas sa kanilang mga tahanan dahil sa baha.
Sinabi rin ng mga residente na matindi ang naging pinsala sa kanilang mga negosyo.
Read: Here's the correct way to hang toilet paper roll, according to experts
UNITED EMIRATES FLASH FLOODS: EFFECT OF CLIMATE CHANGE
Bihira ang pag-ulan sa UAE, na kilala sa mainit na desert climate.
Ang temperatura rito ay umaabot sa 50 degrees Celsius kapag summer.
Ayon sa National Center of Meteorology ng UAE, posibleng umulang muli sa April 22 pero hindi na kasinlakas nang naranasan ngayong week na ito.
Gayunpaman, ibinababala rin ang malakas na pag-ulan sa April 23 sa ibang areas.
Isinisisi ng mga scientists ang mga ganitong extreme weather events sa global warming, na ayon sa mga ito ay ang mga tao na rin mismo ang may gawa.
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
