Uso ngayon ang pagbili ng mga "mystery parcels."
Hangad ng mga buyers na makatiyempo ng parcel na naglalaman pala nang mas mahal na item.
Patok rin sa social media ang unboxing videos ng mga ito.
Pero paalala ng Department of Trade and Industry (DTI), maituturing na illegal ang pagbebenta ng mystery parcels.
Read: Korean food vlogger Tzuyang apologizes for racist portrayal of Filipinas in content
ANO ANG MYSTERY PACEL?
Ang mystery parcels ay mga delivery items na hindi natanggap ng recipients, kaya ibabalik ito ng couriers sa online platforms at sellers.
Pagkasauli sa unclaimed items na ito, tatanggalin ang stickers kung saan nakasulat ang pangalan at address ng original receiver.
Pagkatapos ay ibebenta ang items na ito nang nakabalot pa, kaya hindi makita kung ano ang laman ng mga nito.
Puwedeng mabili ang items na ito online, at may mga naglalako rin sa palengke.
Tulad na lamang ng isang baratilyo sa Silang, Cavite.
Sa ulat ni Dano Tingcungco para sa 24 Oras, may nagbebenta raw ng mystery parcels sa halagang PHP50.
Ayon sa tindera na hindi humarap sa camera, may supplier siyang kinukunan ng mystery parcels sa halagang PHP45 per piece.
Ibig sabihin, ang tindera ay mayroong tubo na PHP5 kada parcel.
Hindi alam ng buyers kung ano ang laman ng parcels, pero umaasa silang ang item ay mas mahal kesa sa PHP50.
Read: Chinese crested tern seen again in Manila Bay after 100 years
DTI WARNS ABOUT MYSTERY PARCELS
Paliwanag ng DTI, maituturing daw itong “fencing” o pagbili o pagbenta ng nakaw na unclaimed parcels.
“Unless the owner says na inabandona na niya yung parcel niya, siya pa rin ang may-ari ng item na iyon,” paliwanag ni Assistant Secretary Amanda Nograles ng DTI-Consumer Protection Group.
“Kung sino naman ang nagtanggal ng label, at nagbenta ng item na iyon, that can be charged as nakaw na item.”
Sinabi rin ni Nograles na binabantayan ng ahensiya ang mga nagbebenta ng mystery parcels, partikular yung mga gumagawa nito online.
Sabi ng assistant secretary, “Meron kaming online monitoring unit. Iyan ay puwedeng ipa-take down ng DTI, ipa-show cause, o bigyan ng notice of violation.”
Nakasaad sa Anti-Fencing Law ang pagbabawal ng pagbili, pagtanggap, pagkuha, at pagbenta ng mga items na alam na galing sa nakaw.
Kapag lumabag sa batas na ito, ang mga penalty ay depende sa kung magkano ang halagang involved.
Halimbawa, kung ang value ng item involved ay PHP50 pero hindi lalampas ng PHP200, may parusa itong medium arresto mayor o pagkakakulong ng isang buwan o hanggang anim na buwan.
