Good news para sa mga pedestrians ang mas pinaluwag na walkway sa gilid ng MRT Ortigas Station recently.
Kaya naman maraming netizens ang napa-react nang mag-post sa Facebook tungkol dito ang writer-producer na si Eric Cabahug.
Si Eric ay scriptwriter, songwriter, journalist, at photographer na ginawaran ng Carlos Palanca Memorial Awards for Screenplay in Filipino para sa “Deadma Walking” na ipinalabas sa mga sinehan noong 2017.
Read: Controversial 'Miss Japan' 2024 dates married man; gives up crown
ANG VIRAL FACEBOOK POST
Sa kanyang FB post noong January 24, 2024, naglagay si Eric ng larawan ng pinalapad na sidewalk, kalakip ang simpleng caption na, “OMG!!! If you know, you know. Hahaha.”
Biro ng isang netizen, “May iskinita widening na. Haha.”
Hirit naman ng isa pa, “Buti naman pwede [n]a magsalubungan hahaha dati antay mode ka tlga pag magpasalubong.”
Marami pang netizens ang nagsalarawan sa lugar at nagbigay ng kanilang saloobin at mga personal na karanasan tungkol sa dating masikip na daanan.
Karamihan ay nakakaaliw bagamat may bahagyang kurot sa mga sinasabing responsable sa dating masikip na walkway. Narito ang ilan:
“Mas malala matrapik jan pag lakad hahaha”
“After 20 years haha”
“Hindi talaga nagparaya na lang ng konting lote nila yung Poveda eh no?”
“Bakit hndi pwede sa kabila ”
Agad nag-viral ang post na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 3,400 reactions, 402 comments at 1,800 shares.
Read: Story of Heidi Yeh: the "mom" in viral family picture; a victim of fake meme

Read: Wedding proposal bashed for being "so poor" gets grand ending, thanks to sponsors
ANG VIRAL WALKWAY, BOW!
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ang nasabing walkway sa social media.
Noong isang taon, nag-viral din ito bunsod ng larawang nai-share sa Twitter (ngayo’y X) ni Robin Barlis tungkol sa traffic enforcer na nagko-control ng daloy ng mga tao sa nasabing lugar.
Ang kalakip nitong caption (published as is): “The pedestrian walkway at Ortigas overpass has gotten so bad that there now needs to be a stop-and-go enforcer to control the traffic flow.”
Umani ito noon ng ng samu’t saring reaksyon.

May mga nag-ungkat pa sa umano’y “mall feud” sa pagitan ng SM na pag-aari ng mga Sy at Robinson’s na pag-aari naman ng mga Gokongwei.
Nariyan din ang sinasabing kawalan ng konsiderasyon ng Asian Development Bank na hindi raw nagparaya ng ilang pulgada ng espasyo para sa ikaluluwag ng walkway.
Kaya’t malaking impact sa mga pedestrians nang makitang mas pinalapad ang walkway gamit ang kalahati ng “bike lane” sa kanang bahagi ng Ortigas northbound.
TOO GOOD TO BE TRUE
Ang siste, pansamantala lamang pala ito.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Metropolitan Manila Development Authority General Manager Undersecretary Procopio "Popoy" Lipana, sinabi nitong pinagbigyan lamang nila ang request ng Department of Transportation (DOTr).
“Request ng DOTr yan sa MMDA kasi meron silang ginagawang repair dun sa station ng MRT. So it is temporary.”
Nilawakan ang sidewalk matapos matawag ang atensiyon ng mga awtoridad dahil sa pagsikip nito nang magsara ang escalator patungong MRT Ortigas station dahil sa ginagawang pagsasaayos ng management.
Ang pagdagsa ng tao ay nagtulak sa ilang pedestrians upang tumalon sa nakaharang na bakod at lumakad nang direkta sa kinalulugaran ng bicycle lane.
Ayon kay Lipana, pinag-aaralan pa ng ahensya kung paano gagawing permanente ang pagpapalawak ng sidewalk.
Bagamat pansamantala, hindi rin nakaligtas sa batikos ang hakbang na ito. Natuwa man ang mga pedestrians, umalma naman ang bicycle riders at ilang concerned citizens.
Sa pahayag ni Ira Cruz, director ng mobility advocacy group Alt Mobility PH, sinabi nitong maaaring maging sanhi ng aksidente ang ginawang paglalagay ng steel barriers na nagpalapad sa walkway.
“May pagkakataon na baka ito’y hindi makita ng mga motorista at masagasaan pa ang mga tao,” dagdag niya.
Tulad ng sabi ni Usec Lipana, “pinapag-aralan natin kung ito ba ay ipipirmi na natin o ibabalik pa natin.”
Humihingi din sila ng pang-unawa sa mga apektado at tiniyak na kapakanan ng nakararami ang mananaig sa bandang huli.
“Dun sa mga bicycle riders na apektado niyan, titingnan natin at babalansehin natin ang interest ng bikers at interest ng pedestrian... at, of course, ganundin ang ating traffic flow.”