Nangunguna ang Pilipinas sa pagpoprodyus ng pinakamaraming plastic waste sa karagatan.
Ito ay ayon sa pag-aaral ng isang international organization na nagsasabing umaabot sa 3.30 kilograms ng plastic waste ang pinoprodyus ng isang tao sa Pilipinas.
Kinomisyon ng Utility Bidder ang pagsasagawa ng Plastic Polluters study, at inilabas ang resulta nito lamang September 2023.
Ang Utility Bidder ay isang independent organization sa United Kingdom na tumutukoy sa gaps sa energy market.
Nag-aalok ito ng services para matulungan ang business players sa nasabing industry para sa best utility tariffs, ayon sa Rappler.
Sa isinagawang Plastic Polluters study, pinag-aralan ang mga bansang may pinakamaraming mamamayan na nagko-contribute sa pinakamaraming basura sa karagatan.
Read: Gimik nauwi sa trahedya dahil sa kawalan ng masakyang taxi
Mino-monitor din nito ang mga bansang may pinakamaraming waste emissions, mga bansang may pinakamaraming mismanaged waste, at nag-e-export ng pinakamaraming plastic waste.
At lumabas sa pag-aaral na nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamaraming plastic waste emissions sa karagatan.
Pumapangalawa ang Suriname sa South America, pangatlo ang Trinidad and Tobago.
Pang-apat ang Saint Lucia at panlima ang Malaysia.
Ayon sa study, “More than 350,000 tons of plastic waste enter the ocean from the Philippines annually.”
Ang 350,000 toneladang waste plastic na ito ay katumbas ng 36 percent ng total plastic waste sa mundo, ayon pa rin sa study.
Read: Nicolas Puech of Hermès desididong ipamana ang yaman sa hardinero; sariling foundation, umaalma
ANOTHER STUDY
Tugma ito sa inilabas na pag-aaral ng Science Advances noong 2021 na lumabas sa Plastic Bank website noong May 2023.
From second place onwards, nag-iba ang rankings ng mga bansa kumpara sa Plastic Polluters study.
Pero ang consistent ay ang Pilipinas ang nasa ika-unang puwesto.
Ayon sa Plastic Bank, ang mga bansang may mas maliit na land areas, mas mahabang coastlines, mas maraming ulan, at inadequate waste-management infrastructure ay mas malamang na ang kanilang plastic waste ay mapadpad sa karagatan.
Pero nilinaw rin sa pag-aaral na hindi porke Pilipinas ang may pinakamaraming plastic waste na ipinoprodyus ay ito na ang top ocean plastic polluter.
Ayon sa World Population Review, nangunguna ang USA sa Top 10 countries na nakakapagprodyus ng pinakamaraming plastic waste, sinundan ng India, China, Brazil, Indonesia, Russia, Germany, UK, Mexico, at Japan.
Pasok ang India, China, Brazil, at Indonesia sa Top 10 waste producers sa Science Advances study.
Pero bakit wala ang USA, Russia, Germany, U.K., Mexico, at Japan?
Ito ay dahil ang anim na huling bansang nabanggit ay may better waste-management infrastructure at plastic recycling facilities sa kani-kanilang mga komunidad.
Para mabawasan ang plastic waste, gawin ang mga sumusunod:
1. Bawasan ang paggamit ng single-use plastic at mag-promote ng environmental sustainability;
2. Tiyakin na ang ating plastic waste ay naitatapon nang maayos at i-recycle ang maaaring i-recycle; at
3. Pagiging conscious consumer at pagsuporta sa mga produktong gawa sa recycled materials
Para sa macro-level efforts, kailangang mag-invest ang gobyerno at mga organisasyon sa better plastic waste-management systems at pag-e-educate sa mga komunidad ukol sa plastic pollution.
Malaki ang epekto kasi ng plastic waste pollution sa ating mga karagatan, tulad ng pagpinsala sa marine ecosystem, at maging sa pangingisda, tourism, at shipping industries.
