PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How taxpayers can avail themselves of digital TIN ID

What is its use?
by KC Cordero
Published Dec 1, 2023
Photo of BIR Regional District Office
Ang digital TIN ID na iniisyu ng Bureau of Internal Revenue ay isang valid government-issued identification document at tatanggapin sa mga transaksiyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, local government units, bangko, sa pag-a-apply sa trabaho at sa iba pang institusyon na kailangan ng pagkakakilanlan.

Hindi na kailangang pumila ng mga taxpayers sa Revenue District Offices para kumuha ng Tax Identification Number (TIN) ID.

Inihayag ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na batay sa Memorandum Circular 120-123 na inilabas ng ahensiya noong November 29, 2023, itinatakda ang “availability, use, and acceptance” ng digital TIN ID bilang additional feature para sa Online Registration and Update System (ORUS).

Read: Taking selfies is “legitimately dangerous,” according to research

Ani Lumagui, "The Digital TIN ID system shows our commitment to providing Excellent Taxpayer Service.

“With this new system, we can eliminate the practice of fixers and scammers selling TIN online while giving taxpayers a convenient alternative in getting a TIN, instead of lining up at our Revenue District Offices.”

Ang mga individual taxpayers na may existing TIN ay maaaring mag-apply para sa digital TIN ID sa pamamagitan ng ORUS.

Read: Mali, nag-iisang elepante ng Pilipinas, pumanaw na

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of digital TIN ID

Read: Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas

Ang mga taxpayers na gustong kumuha ng kanilang digital TIN ID ay kinakailangang mag-update ng kanilang email address sa Revenue District Office kung saan sila nakarehistro.

Para mag-update, kinakailangang punan at isumite ang Form S1905 – Registration Update Sheet (RUS) sa pamamagitan ng email kung saang RDO nakarehistro, o sa pamamagitan ng Taxpayer Registration Related Application (TRRA) Portal ng BIR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaaalala ng BIR na ang mga taxpayers ay kailangang magsumite ng malinaw na kopya ng kanilang larawan.

Bawal ang mag-upload ng mga larawan ng hayop, artista, cartoon character o ng ibang tao.

May karampatang penalty para sa mga gagawa nito.

Read: Bagong damit? Labhan muna bago isuot!

Ang digital TIN ID ang magsisilbing reference para sa TIN ng taxpayer.

Ituturing din ito na valid government-issued identification document at tatanggapin sa mga transaksiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, local government units, banko, sa pag-a-apply sa trabaho at sa iba pang institusyon na kailangan ng pagkakakilanlan.

Mabeberipika naman kung authentic ang digital TIN ID sa pamamagitan ng ORUS system gamit ang QR Code.

Read: Which is healthier: brown rice or white rice?

Kumpara sa physical TIN cards, ang digital TIN ID ay hindi na kailangan ang lagda ng taxpayer at ng isang permanenteng identification document.

Photo of physical TIN ID

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health

Parehong valid ang physical TIN card at ang digital TIN ID.

Kung mayroon nang digital TIN, hindi na kailangan ng taxpayer na magkaroon ng physical card.

Ginagarantiyahan naman ng BIR ang publiko na ang digital TIN ID ay libre at hindi ipinagbebenta.

Nagbabala rin ang ahensiya sa mga taxpayers na huwag lalapit sa mga online sellers na nag-aalok ng TIN ID assistance para maiwasang makakuha ng invalid o fake TIN, at maling taxpayer type classification.

Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang digital TIN ID na iniisyu ng Bureau of Internal Revenue ay isang valid government-issued identification document at tatanggapin sa mga transaksiyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, local government units, bangko, sa pag-a-apply sa trabaho at sa iba pang institusyon na kailangan ng pagkakakilanlan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results