Malungkot na ibinalita ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpanaw ni Mali, ang nag-iisang elepante sa Pilipinas at isa sa mga hayop na inaalagaan sa Manila Zoo.
Ang pagkamatay ni Mali ay ini-anunsiyo ng Manila Public Information Office noong November 28, 2023.
Read: Photo ng ibon na tila pinapalayas ang isa pang ibon, wagi ng award
Sa video na ibinahagi ng Manila PIO sa official Facebook account nito, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na namatay si Mali bandang 3:45 p.m. sanhi ng congestive heart failure.
Isinailalim ang katawan nito sa necropsy.
Isang female Asian elephant, si Mali, na ang tunay na pangalan ay Vishwa Ma’ali, ay ipinanganak sa Sri Lanka noong 1974.
Read: Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas

Read: 30-year-old pari, pinakasalan ang 18-year-old student; tinanggal sa parokya
Nang mamatay ang kanyang ina sa jungle, inalagaan siya sa Pinnawala Elephant Orphanage.
Noong 1977 kung kailan three years old na si Mali, iniregalo siya ng Sri Lankan government kay former first lady lady Imelda Marcos.
Dinala muna siya sa Malacañang Palace bago inilipat sa Manila Zoo.
Ang Pilipinas lang noong panahong iyon ang may zoo sa buong rehiyon sa Southeast Asia.
Read: Paanong na-trauma sa lamok ang teener matapos sampalin ang toxic boyfriend

Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors
Pero maraming animal rights group ang nananawagan noon para alisin si Mali sa Manila Zoo at ibalik sa natural habitat nito sa Sri Lanka.
Pinaniniwalaang dumaranas si Mali ng sobrang kalungkutan dahil nabuhay ito sa loob ng mahabang panahon na walang kasamang kapwa elepante.
Nagkaroon pa nga ng Free Mali campaign noon sa social media, at mahigit 50,000 netizens ang naging miyembro ng Free Mali fan page.



Sa pagpanaw niya, maraming nalungkot, at kanya-kanyang sharing ang nagaganap ngayon sa mga comments section tungkol sa fondest memory nila kay Mali.
Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”
