Nagpadala ang Quezon City Prosecutor's Office ng subpoena kay dating Pangulo Rodrigo Duterte kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya ni Congresswoman France Castro ng ACT-Teachers.
Ayon sa legal counsel ni Castro na si Antonio La Viña, bunsod ito ng diumano ay "death threat" ng dating pangulo sa kanyang kliyente.
Pahayag ni La Viña sa TIME.com, “It created fear on the part of Congressman Castro. And therefore he should be held liable.”
Ito ang kauna-unahang pagkakataong naatasan ang dating pangulo na humarap sa korte.
Ang kanyang presidential immunity ay nawalan na ng bisa nung natapos ang anim na taon niyang termino noong June 30, 2022.
Read: Lotto winner ng PHP34M, naniniwalang nasa guhit ng kapalaran niya ang maging milyonarya
Ang subpoena ay iniisyu ng QCPO noong October 27, 2023, pero isinapubliko lang nitong November 15.
May lagda ito ni Senior Assistant Prosecutor Ulric Badiola, at inaasahan ang dating pangulo na magsusumite ng counter-affidavit.

Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors
Kinakailangan din niyang humarap sa tanggapan ng city prosecutor sa December 4 at sa December 11, 2023.
Matatandaang nagsampa si Castro ng reklamong grave threat laban sa dating pangulo noong October 24.
Ang reklamo ng kongresista ay saklaw ng Cybercrime Prevention Act at ng Revised Penal Code.
Read: DOLE ipinaalala sa employers ang pagbabayad ng 13th month pay

Read: Bettor wagi ng PHP147M jackpot sa "lucky pick" combination
Sa programang Gikan sa Masa, Para sa Masa na umere sa SMNI noong October 11, 2023, tinalakay ng dating pangulo ang plano ng anak na si Vice President Sara Duterte na gamitin ang confidential funds sa Reserve Officers’ Training Corps. (ROTC) program.
Dapat aniyang maging prangka ang bise presidente sa Kongreso, at sabihin na kailangan nito ng confidential funds para mahinto na ang communist insurgency.
Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR
Sambit pa ng dating pangulo, “But your first target there, using your intelligence funds, is you, France, you communists who I want to kill.
“I asked her to tell them that, but she refused, saying, ‘You know Pa, if I did that, they might harass the PMTs.’”
Sa reklamo ni Castro, sinabi niya na ilang beses ginawa ng dating pangulo ang pahiwatig na nag-uugnay sa kanya sa mga makakaliwang armadong kilusan kahit walang pruweba.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng dating pangulo.
Read: Tale of revenge ng mister na iniwan ng misis para sumama sa ibang lalaki
