Tampulan ng tukso ang maliit na bayan ng Sasmuan, Pampanga, dahil sa pangalan nitong binabaybay bilang “Sexmoán" simula pa noong 16th century.
Kalaunan ay nabansagan pa ang local port ng coastal town bilang “Sex Fishport.” May ilan ding tinatawag ang bayan bilang Sexymoan.
Kaya’t noong 1990 ay gumawa na ng hakbang ang lokal na pamahalaan upang tuluyan nang alisin ang “Sex” sa pangalan ng kanilang bayan.
Sa pamamagitan ni dating Pampanga Rep. Emigdio Lingad, ipinasa sa House of Representatives ang Republic Act 6976 na may titulong “An Act Changing the Name of the Municipality of Sexmoan in the Province of Pampanga to Municipality of Sasmuan.”
Ang legislation ay pormal na naaprubahan noong January 15, 1991 matapos itong ipasa ng House of Representatives noong April 5, 1990 at ng Senado noong December 18, 1990.
Read: 150-year-old vintage maong pants sold for PHP5.6 million
IT WAS AN HONEST MISTAKE BECAUSE OF THE SPANISH LANGUAGE
Wala naman umanong kaugnayan sa tunay na kahulugan ng “sex” ang pagkakapangalan ng mga Espanyol sa bayan ng Sasmuan noong dumating sila sa bansa upang sakupin ang Pilipinas.
Sinasabing established na ang bayan bago pa dumating ang mga banyaga. It’s one of the oldest and major settlements in Pampanga.
At matagal nang Sasmuan, na nagmula sa Kapampangan word na “sasmo,” na ang ibig sabihin ay “meeting place,” dahil ito raw ang ginagawang tagpuan ng mga datu noong nasa kalagitnaan ng digmaan ang mga Kapampangan laban sa mga Intsik.
Nabago ang spelling noong dumating ang mga Espanyol dahil ang letter [x] ay kasing-tunog ng [sh] sa Ingles.
Bagamat Sasmuan pa rin ang tawag ng mga mamamayan, Sexmoan naman ito sa mga opisyal na komunikasyon ng bayan.
Kaya’t malaking luwag sa dibdib nang sa wakas ay naging opisyal na ang pangalan nitong Sasmuan, sa bisa ng Republic Act 6976 na nilagdaan ni noo’y Presidente Corazon C. Aquino.
Read: Thomasian gets “highest score worldwide” in accounting exam

Food mapping of Sasmuan
SASMUAN: A HAVEN FOR FRESH SEAFOOD, MANGROVES, MIGRATORY BIRDS, AND POLVORON!
Ngayong naiwaksi na ng mga taga-Sasmuan ang negatibong kahulugan na ikinakabit sa pangalan ng bayan, mas nakikilala na ang lugar dahil sa mga ipinagmamalaki nitong produkto, gaya ng fresh seafood na nakukuha sa nasasakupan nito.
Ang Sasmuan ay isa sa tatlong bayan—kasama ng Macabebe at Lubao—sa Pampanga na matatagpuan sa Manila Bay Coastline.
Laganap ang fish pond sa bayan na siya ring pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Sagana ang Sasmuan sa seafood at masarap na delicacies
Base sa report ng Inquirer.net, itinatag ng Ramsar Convention ang Sasmuan Pampanga Coastal Wetlands (SPCW) noong February 2, 2021 bilang “wetland of international importance.”
Ang Ramsar Convention ay kasunduan ng 171 UN-member countries “to protect wetlands as sources of fresh water and other resources.”
Ayon sa Ramsar website, layon nitong pangalagaan ang wetlands bilang “important stopover points for migratory waterbirds on the East Asian-Australasian Flyway, with over 50,000 individuals counted in 2020.”
Nariyan din ang “vulnerable mangrove species Avicennia rumphiana, which, along with the more common Sonneratia alba, provide shelter for juvenile species of fish, molluscs and other marine and estuarine species.”
Bukod sa fresh seafood, migratory birds, at mangroves, kilala rin ang Sasmuan sa kanilang taunang Kuraldal Festival na ipinagdiriwang in honor of their patron saint, Saint Lucy (Santa Lucia or Apung Lucia).
Ang Kuraldal season ay nagsisimula ng December 13, na siya ring pagdiriwang ng kapistahan ni Santa Lucia.
Ngunit nagpapatuloy ang kasiyahan ng January 6, at nagtatapos sa isang maringal na pagdiriwang na ginaganap tuwing January 10. Dito masasaksihan ang mga deboto na nagsasayaw habang binibigkas ang: “"Viva Apu Lucia! Pwera sakit!”

Samantala, ang Santa Lucia Parish Church ang kauna-unahang simbahan na itinatag ng Agustinian priests sa probinsya noong 17th Century sa pamamagitan ni Jose Duque.
Ayon sa thephilippinestoday.com, pinaniniwalaang mapaghimala si Santa Lucia, hindi lamang para sa mga maysakit kundi maging sa mga babaeng nais magkaanak.
Higit sa lahat, kilala ang Sasmuan sa Sasmuan delicacies na mabibili sa mga SM Malls, maging sa ibang panig ng mundo.
Ang kanilang special Polvoron na may iba’t ibang flavors, tulad ng Cookies & Cream, Roasted Cashew, Pinipig, Choco Pinipig, at Ube Pinipig, ay nakaarating hanggang San Diego at California.
Gayundin ang kanilang produktong Barquiron or crunchy barquillos na may filling na polvoron.