PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why wearing a watch is a must for flight attendants

It’s not just for stylish reasons.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Oct 30, 2023
Flight attendant in flight
"Timing is everything." This quote rings true for flight attendants, who rely highly on proper timing in case of in-flight emergencies and taking proper care of passengers.
PHOTO/S: Kenny Eliason via Unsplash

Napansin mo bang ang mga flight attendants ay laging may suot na relo?

Hindi ito pamporma lang, kundi pagsunod sa requirement ng airline companies.

Iba-iba ang paglalarawan ng airline companies sa angkop na size o design ng relo na dapat isuot ng flight attendants.

Pero ayon sa guidelines ng United Flight Attendant Uniform Appearance Standards, “One conservative business-style watch is required.”

Dagdag pa, “Watch bands may be black, metal, or a solid color that complements the uniform.”

Dahil nasa frontline sila sa pagseserbisyo ng mga passengers of diverse cultural backgrounds, mahalaga rin na “color appropriate” ang suot nilang relo, ayon sa flyingbynumbers.com.

Basically, the watch should complement the uniform or look very classic.

Pero ang pinakaimportante sa lahat, malinaw dapat nitong naipapakita ang oras, lalo na ang pagpitik ng bawat segundo.

Mula sa pag-handle ng kanilang regular duties, hanggang sa pag-assist sa piloto at mga pasahero during critical emergencies, may ilang mahahalagang dahilan kung bakit kailangan ng cabin crew na magsuot ng relo habang on duty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HANDLING NORMAL OPERATIONS

Susi sa maayos na trabaho ng flight attendants ang mahigpit na pagsubaybay sa oras.

Halimbawa, ang bawat pag-taxi at departure ng aircraft ay maaaring magtagal mula tatlumpung (30) segundo hanggang tatlong (3) minuto.

Sa loob ng maikling oras na ito, kailangan nilang magawa ang mga pre-departure tasks bago ang takeoff.

Mayroon ding inside rules ang airline companies na nangangailangan nang mahigpit na pagbabantay sa oras.

Isa na rito ang pagsiguro na dalawang minuto bago mag-landing ay nakaupo ang lahat ng pasahero.

Tungkulin din ng cabin crew ang siguruhin na komportable at maginhawa ang biyahe ng lahat.

Istriktong naka-oras ang pagbigay ng food and drinks sa mga pasahero at importanteng maihatid ito ng flight attendants on time.

Higit sa lahat, mayroong mga specified na oras na kailangang i-check ng mga flight attendants ang kanilang mga piloto oras na sila ay nasa ere na. Karaniwan ito ay every 30 minutes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIMING FOR SAFETY

Bukod sa mga pangkaraniwang trabaho ng flight attendants na nangangailangan ng mahigpit na pagtutok sa oras, nariyan din ang mas importanteng issue ng safety at security.

Pagdating sa medical emergency na maaaring mangyari sa sinumang pasahero ng aircraft, relo ang magiging sandigan ng flight attendants upang makapagbigay ng kinakailangang first-aid, tulad ng pagkuha ng pulso ng pasyente.

Ang cabin crew ay binibigyan ng aeromedical training, kunsaan sila ay nagsasanay mag-respond sa mga sitwasyong medikal.

Kabilang sa kanilang mga dapat tutukan ay ang pagkuha ng vital signs, paggamit ng defibrillators o iba pang medical devices, at maging ang pagsisilang ng sanggol.

Kailangan din ng flight attendants ng relo upang magresponde sa mga critical emergencies.

Nariyan ang tiyak na oras kung kailan lamang sila maaaring mag-announce ng emergency landing upang hindi maging sanhi ng pagpa-panic ng mga pasahero.

Sa panahon naman ng depressurization, kung saan bumababa ang oxygen levels sa loob ng aircraft, nagbibigay ng specific instruction ang flight attendants bago mag-take off, kung paano makaka-access ng oxygen masks ang mga pasahero.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero bukod dito, mayroon silang mahalagang tungkulin na siguruhing conscious at maayos na nakasuot ng oxygen masks ang mga piloto.

Nasaan man silang bahagi ng aircraft, depende sa takdang haba ng oras ng airline company (karaniwan ito ay 60-90 seconds), kailangang magmadali ng cabin crew upang marating ang flight deck.

Maaring bahagi ito ng strict uniform standards para sa mga cabin crew, pero nakamamanghang ang pagsusuot ng timepiece ay may mas malalim na dahilan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Timing is everything." This quote rings true for flight attendants, who rely highly on proper timing in case of in-flight emergencies and taking proper care of passengers.
PHOTO/S: Kenny Eliason via Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results