May talent ka ba sa paggawa ng reels? Puwede kang manalo ng PHP12,000!
Magdaraos ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng video reel-making competition para sa mga senior high school students tungkol sa disaster preparedness and resiliency.
Ang Reel-silience Contest ay bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong July 2023.
Ito ay ini-anunsyo ng ahensiya noong June 16, 2023.
READ Libro ibinalik sa library after 43 years; PHP17K na ang multa
Sa official NDRRMC Facebook page, ibinahagi ng ahensiya na ang contest ay open sa lahat ng Grade 11 and 12 students na naninirahan saan mang rehiyon sa bansa.
Hindi naman maaaring lumahok ang mga estudyanteng may kamag-anak na empleyado ng NDRM Technical Working Group at ng Office of Civil Defense (OCD).

Read also: Cebu Pacific ipinaliwanag ang mga dahilan sa nakansela at naantalang biyahe
Ayon pa sa pahayag ng NDRRMC, "The context of the video reels to be submitted must be aligned with the NDRM 2023 theme: 'BIDAng Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-being towards Disaster Resilience.'"
Ang video reels ay kailangang may maikling caption na hindi lalampas sa 120 letters.
Ang mga kalahok ay maaaring gumamit ng English o Filipino sa kanilang reels.
Ang mga published works, o reels na nai-upload na sa social media, ay hindi na maaaring isumite.
READ Nursing graduates na bagsak sa board exam, planong i-hire ng gobyerno
PAANO ANG PAGSALI?
Kinakailangang mobile phone ang gamitin sa paggawa ng reels.
Papayagan din ang basic color correction, pero mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng heavy video editing applications.
Ang video reels ay dapat na nasa MP4 file format at may sukat na 1080 pixels by 1920 pixels.
Hindi rin dapat lumampas sa isang minuto (60 seconds) ang haba nito.
READ What you should know about personal data of dead Facebook users
Ang lahat ng entries ay dapat na ipadala sa CBTS-ITAD Advocacy sa email address na: ocdndrm2023@gmail.com.
Lagyan ang email ng subject title sa ganitong format: REEL-SILIENCE_PARTICIPANTS’ FULL NAME.
Ang kalahok ay kailangan ding mag-attach ng photocopy ng kanyang school ID at enrollment certification—for verification purposes.
Ang mga mapipiling kalahok ay iimbitahan sa gaganaping closing ceremony ng NDRM 2023.
READ FDA may babala tungkol sa ilang klase ng lato-lato toys
HANGGANG KAILAN ANG SUBMISSION, MAGKANO ANG PREMYO?
Open ang kumpetisyon mula June 12 hanggang July 7, 2023.
Pipiliin ang tatlong ranked winners batay sa disaster risk reduction management (DRRM) component.
Ang desisyon ng mga hurado na pinili ng OCD ay pinal at hindi na mababago.
Para sa mga magwawagi, tatanggap ng PHP12,000 ang first place, PHP10,000 ang second place, at PHP8,000 ang third place.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang link na ito: Join the REEL-SILIENCE contest.
READ Lolang kumatok sa ataul habang pinaglalamayan, tuluyan nang pumanaw; under "permanent surveillance"