Kung gumagamit ka ng Internet kahit paminsan-minsan lang, nakapag-iiwan ka ng digital footprints, na siyang nagiging personal information mo base sa iyong online activity.
Ano kaya ang mangyayari sa footprints na ito kapag ikaw ay pumanaw na?
Sa isang pag-aaral na nailathala sa Big Data and Society journal noong 2019, natuklasan na sa 2070 ay posibleng mas marami nang "dead" Facebook users kesa alive.

Bago sumapit ang 2100, ayon sa pag-aaral ay tinatayang 1.4 billion Facebook users na ang namatay.
Sa pagtatapos naman ng century, ang Facebook users na pumanaw ay posibleng umabot sa 4.9 billion.
READ Meet Brian Jansen Vallejo, ang math wizard ng Ilocos Norte
DATA NG PUMANAW NA FB USER, SINO ANG MAY KARAPATAN?
Ayon kay Carl Öhman ng Oxford Internet Institute (OII) at lead author ng isinagawang study, ang statistics na ito ay nagbigay ng mga bago at mahihirap na tanong kung sino ang may karapatan sa mga data na nasa Facebook mula sa mga post ng mga pumanaw na users.
Aniya, kailangang malaman din kung paano ima-manage ang mga data na ito para sa kapakanan ng pamilya ng pumanaw na Facebook user, at kung paano ito gagamitin ng mga future historians para maunawaan ang nakaraan.
Read also: Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?

READ Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman
Ang kasalukuyang procedure ng Facebook sa pagha-handle ng profile ng user na pumanaw ay ang hayaan ang pamilya nito na i-memorialize ang mga pahina sa pamamagitan ng simple verification process.
Kapag ang isang account ay memorialized, secured ito at hindi na makakapag-log in ang kahit sino.
Binago rin ng Facebook ang ilang features nito para matiyak na ang deceased user ay hindi na lalabas bilang suggested invite.
Hindi na rin ipapaalala sa mga kaibigan ng deceased user kung kailan ang birthday nito.
Ang mga kaibigan at kakilala naman ng deceased user ay maaaring mag-share ng memories nito sa kanilang sariling timeline, o kaya ay magbigay ng special tributes sa page nito.
Ibig sabihin, kahit wala ang ang Facebook user sa mundo, mananatiling buhay ang profile nito—maging ang personal data.
Read also: Binatang taga-Laguna, wagi ng PHP55M sa lotto; ipagagamot ang maysakit na parents
PAANO ISINAGAWA ANG STUDY?
Ang bilang ng dead users ng Facebook ay natantiya ng mga researchers sa pamamagitan ng data mula sa United Nations kung saan may tala ng bilang ng namatay at kabuuang populasyon ng bawat bansa sa mundo.
Gumamit din ang mga researchers ng impormasyon mula sa Audience Insights feature ng Facebook.
Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor

Read also: Lola na pinaglalamayan, kumatok sa ataul; buhay pa pala
Lahat ng datos ay nagsasabing nasa 1.4 billion Facebook ang patay na bago sumapit ang 2100.
Kung ang user levels ay mananatiling katulad noong 2018, ang kabuuang bilang ng deceased users ay mas marami na kumpara sa mga buhay pa pagsapit pa lang ng 2070.
Sinabi sa ginawang study na ang pambihirang dami ng dead users sa Facebook ay mag-iiwan ng sobra-sobrang saved data sa server ng naturang platform—at may malaking implikasyon sa digital heritage sa hinaharap.
READ Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay
DATA NG DEAD FACEBOOK USERS, DAPAT MA-CURATE
Para naman kay David Watson, isa sa co-author ng isinagawang study, ang Facebook data ay isang malaking archive ng human behavior and culture.
Aniya, hindi dapat maiwan ang mga datos na ito sa mga kamay ng isang profit-oriented company.
Dagdag pa niya, napakahalaga para sa future generations na magamit ang abandoned data bilang record tungkol sa ating lipunan at para na rin sa kasaysayan.
Ani Watson, “This is not just about finding solutions that will be sustainable for the next couple of years, but possibly for many decades ahead.”
READ Brazilian photog may perfect shot sa Christ the Redeemer na tila nasa palad nito ang buwan
Inatasan ng Oxford researchers ang Facebook na makipagtulungan sa mga eksperto, gaya ng archivists, historians, ethicists, at archaeologists para ma-curate ang napakaraming nakalap na data na naiwan ng mga pumanaw na Facebook users.
Sa kasalukuyan ay may 1.62 billion active Facebook users sa buong mundo araw-araw.
Ayon sa mga researchers, bilang isa sa pinakamalaking social media network sa buong mundo, mahalagang ma-figure out ng Facebook kung paano ito nagha-harvest ng data kung ang user ay patay na.
Bukod sa ethical dilemmas kaugnay ng user data, marami nang kinakaharap na isyu ang Facebook, gaya ng pagba-ban sa hate speech at ang paglaganap ng fake news sa site nito.
READ Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years