PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone

Tinatawag din itong power stone.
by KC Cordero
Published May 29, 2023
Malachite bracelet
Isa sa mga popular na gemstone ang malachite, na bukod sa maraming dalang health benefits ay may hatid pang suwerte sa pagnenegosyo. Nakatatanggal din ito ng stress, nagtataboy ng negatibong emosyon, at nag-aanyaya naman ng positive vibes.

Ang malachite (pronounced as /ma-luh-kite/) ay isang uri ng gemstone na maraming health benefits.

Nakatatanggal ito ng stress, nagtataboy ng negatibong emosyon at nag-aanyaya ng positive vibes.

Madalas itong irekomenda ng mga feng-shui expert sa mga taong tila laging hinahabol ng malas, at nagiging sakitin pa lalo na kung maraming pinagdaraanan sa buhay.

Tinatawag din itong power stone.

Source of malachite

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Bunga ng puno tumawid sa iyong bakuran, puwede mo ba pitasin?

Ang malachite ay isang uri ng green mineral na natatagpuan sa mga copper deposits sa ilalim ng lupa.

Nakukuha rin ito sa loob ng limestone kasama ang iba pang minerals, gaya ng azurite, calcite, at iron oxides.

Isa ring source nito ang mga stalactites sa mga kuweba.

Kumikinang ang nasabing stone kapag nagkaroon ng contact sa malamig na diluted hydrochloric acid.

Madaling makilala ang malachite kumpara sa ibang gemstones dahil sa taglay nitong kulay berde—pastel green, bright green, o kaya ay dark green.

Kapag namina na, malambot ito at nilalagyan ng gemstone collectors ng resin o wax para tumigas.

Read also: Mushroom coffin, patok ngayon; may urn para sa mga gusto ng cremation

SAAN NAKUKUHA ANG MALACHITE?

Ang karaniwang source ng malachite ay sa Africa. Sa ngayon, ang pinakamalalaking producer nito ay ang Democratic Republic of the Congo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakukuha ring maliit na porsiyento mula sa France, Australia, at sa State of Arizona.

Una itong namina sa Israel at Egypt, pero sinasabing ubos na ang source sa mga bansang ito dahil nagsimula silang maghukay nito mahigit 4,000 taon na ang nakalilipas.

Itinuturing ang malachite na rare gemstone dahil kokonti na ang original deposits at limitado na ang sources.

Read also: Where to find these fancy jewelry spotted on celebrities

Popular ito bilang alahas at palamuti sa mga sculptures. Hindi kasi ito kumukupas sa loob ng mahabang panahon kahit laging suot bilang alahas, at naka-expose sa liwanag.

Rings of malachite

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga guhit ang malachite na tinatawag na peacock’s eye, na nagpapataas ng value kung mas malaki at mas marami.

Ang mga guhit na ito ang isa sa palatandaan kung original o authentic ang malachite.

Read also: VIRAL: “Bula sa unang kagat!” Bridesmaid, inakalang cupcake ang wedding giveaways; sabon pala

MAY HATID NA PHYSICAL BENEFITS

Maaari itong gawing maliliit na beads para sa earrings, bracelets, at necklaces.

Ang malaking piraso ng malachite ay hinuhulma rin bilang singsing, pendants, tie pins, pati na rin brooches.

Naging popular ang pagsusuot ng alahas na may malachite dahil bukod sa may calming effect at nababalanse nito ang emosyon ng taong may suot nito, nakapagpapagaling din ito ng ilang karamdaman sa katawan.

Malachite bracelet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang popularidad ng malachite nang gamitin ng ancient Egyptians, Greeks, at Romans simula noong 15th century bilang proteksiyon laban sa evil spirits, black magic, at witchcraft

Kabilang sa physical benefits na naipagkakaloob nito ang pagre-reduce sa pamamaga ng mga joints, pagsasa-ayos ng menstruation cycle ng mga kababaihan, pagpapahimbing ng pagtulog, pagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo at kondisyon ng immune system, at pagde-detox ng liver.

Ginagamit din itong lucky charm ng mga gustong magnegosyo. Kailangan lang magdikit ng malachite sa anumang dekorasyon sa bahay o opisina.

Ang malachite ay nagiging luxury gemstone kapag ikinabit sa alahas na yari sa copper, silver, at gold.

Read also: TRENDING: Ang napakasarap na champorado sa Caloocan City

EFFECTIVE NA LUCKY CHARM

Isang feng-shui expert na ayaw nang magpabanggit ng pangalan ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last May 29, 2023 tungkol sa naturang gemstone.

Ayon sa kanya, mabenta talaga ang mga lucky charms na may taglay na malachite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya, “Dati rin ay nagbebenta ako niyan. Sa ngayon ay hindi na dahil ang hirap humanap ng original na malachite.”

Malachite pendant

Pasubali naman niya, hindi kailangang malaki o maliit ang piraso ng malachite na gagamitin bilang lucky charm.

“Kahit kasinlaki lang ng butil ng munggo, effective na yun. May ritual naman kasing ginagawa ang mga gaya namin para ma-activate yung energy ng malachite.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinayo rin niya sa mga gustong magkaroon ng malachite na ipasuri muna ito sa gemstones expert bago bumili.

Puwede namang ma-activate ang malachite kung walang kilalang feng-shui expert sa pamamagitan ng pagbabaon nito sa lupa pagsapit ng takipsilim at hukayin bago sumikat ang araw kinabukasan.

Maaari ring itapat sa liwanag ng buwan kapag full moon.

Read also: Kuweba na ginawang coffee shop at inland resort, ipinasara

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga popular na gemstone ang malachite, na bukod sa maraming dalang health benefits ay may hatid pang suwerte sa pagnenegosyo. Nakatatanggal din ito ng stress, nagtataboy ng negatibong emosyon, at nag-aanyaya naman ng positive vibes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results