Tinanghal ang PHP1,000 polymer banknote ng Pilipinas bilang “Banknote of the Year” para sa taong 2022 ng global non-profit organization na International Banknote Society (IBS).
Ini-anunsyo ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong May 4, 2023.
Ayon sa BSP, ang PHP1,000 polymer banknote ang kauna-unahang banknote ng ating bansa na nanalo ng naturang award.
Tinalo nito ang mga finalists mula sa Algeria, Barbados, Egypt, Northern Ireland, at Scotland.
Read also: Mas simple, mas matibay na PHP1,000 banknote, ilalabas ngayong April

Ayon sa bahagi ng pahayag ng IBS, “The Philippines’ successful design in eye-pleasing blue combines an endangered species with an environmental motif.”
Ang IBNS ay isang non-profit group na isinusulong ang pag-aaral at kaalaman ukol sa banknotes and paper currencies sa buong mundo.
Tampok sa PHP1,000 polymer banknote ang Philippine eagle at ang pambansang bulaklak na Sampaguita.
Read also: Mas simple, mas matibay na PHP1,000 banknote, ilalabas ngayong April
Ang lumang disenyo nito ay nagtataglay ng mga bayaning Pilipino na sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.
Ang kabilang bahagi naman ay itinampok ang Tubbataha Reefs Natural Park, na idineklarang World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO).

Read also: VIRAL: PHP1,000 polymer banknote, naplantsa at nasunog
Ang disenyo, na ginawa ng BSP at inaprubahan ng National Historical Institute, ay unang isinapubliko noong December 2021.
Sinimulan ang sirkulasyon nito noong April 2022.
Nang inilunsad ito, inulan ng kritismo ang bagong disensyo, at may mga humiling pa sa BSP na irekonsidera ito.
Ipinaliwanag naman noon ni dating BSP Governor at ngayon ay Finance Secretary Benjamin Diokno na walang dapat ikabahala ang mga sentimiyento sa pagpapalit ng disenyo.
Hindi aniya inalis ang mga bayani at pinalitan ng flora and fauna dahil ipagpapatuloy ng BSP ang sirkulasyon ng dalawang disenyo.
Nagkaroon din ng isyu tungkol sa paggamit ng polymer banknotes dahil ayaw umanong tanggapin sa mga establisyemento kapag may tupi.
Nang tangkaing unatin ng isang netizen ang banknotes gamit ang plantsa, na-deform ang mga ito.
Dahil dito, naglabas ang BSP ng guidelines para sa wastong paggamit at pangangalaga sa PHP1,000 polymer banknotes:
Read also: Do's and don’ts sa paggamit ng bagong PHP1,000 polymer banknote
Narito ang mga dapat gawin:
- Kailangang manatili itong flat. Ilagay ang polymer banknotes sa wallet na eksakto sa sukat ng pera para hindi matupi o malukot.
- Panatilihing malinis. Linisin ang maruming PHP1,000 polymer banknotes sa pamamagitan ng basang tela. Ang ibabaw nito ay maaari ring linisin gamit ang alcohol-based sanitizers, pero kailangang punasan kaagad ng tuyong tela.
- Gamitin ang PHP1,000 polymer banknotes sa pagbili ng mga kailangan at sa pagbabayad ng bills o serbisyo. Huwag itago. Bawal ding ibenta ito sa mas mataas na halaga.
Read also: SM Supermalls reacts to misleading info about folded PHP1,000 banknote
Naririto naman ang mga hindi dapat gawin:
- Huwag pupunitin, susulatan, o mamarkahan.
- Huwag sosobrahan ang pagtutupi o paglukot dahil hindi na matatanggal ang magiging bakat ng pinagtupian.
- Huwag pupunitin, puputulin, o lalagyan ng butas.
- Huwag gagamitan ng stapler o rubber bands kapag pagsasama-samahin. Sa hallip ay gumamit ng paper bands.
- Huwag sisirain ang clear windows, metallic features, at iba pang security features.
- Huwag paplantsahin.
- Huwag hahayaang madarang sa init o ilalapit sa apoy.
- Huwag hahayaang mabasa ng matatapang na kemikal, gaya ng muriatic acid o bleach.