PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Oscar Lopez passes away at 93

Naging director din siya ng ABS-CBN Corporation
by KC Cordero
Published Apr 23, 2023
Photos of Oscar Lopez
Si Oscar Lopez ang nasa likod ng “Lopez Credo” na nagsisilbing corporate manifesto ng Lopez Group of Companies. Naniniwala siya na ang pangunahing dahilan sa pagiging bahagi ng Lopez Group ay para maglingkod sa sambayanang Pilipino.

Sumakabilang buhay na ang patriarch ng Lopez clan na si Oscar Moreno Lopez sa edad na 93.

Ang kanyang pagpanaw ay ibinalita ng ABS-CBN News ngayong April 22, 2023.

Kapatid siya nina Eugenio “Geny” Lopez at Manuel “Manolo” Lopez.

Si Oscar ang chairman emeritus, chairman and chief executive officer ng Lopez Holdings Corporation, at ng First Philippine Holdings Corporation.

Read also: PLDT buying out SKY Cable from Lopez family for P6.75B; ABS-CBN to receive P4B

Photo of Oscar Lopez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Noli de Castro's KBYN wins bronze at New York Festivals TV and Film Awards 2023

Mula noong mabawi ng pamilya Lopez ang kanilang assets na na-sequester noong panahon ng Martial Law, pinamunuan ni Oscar ang First Philippine Holdings.

Sa kanya ibinibigay ang kredito kung bakit mula sa halos pagiging bangkarote ay naging maunlad at nangunguna ang nasabing kumpanya pagdating sa power generation and distribution, manufacturing and property development.

Kilala rin si Oscar sa pagpapatupad ng mga programa sa business excellence, corporate governance and corporate social responsibility.

Read also: Ted Failon recalls fond memories of ABS-CBN's original HQ; gives update about his TV5 stint

Siya rin ang nasa likod ng “Lopez Credo” na nagsisilbing corporate manifesto ng Lopez Group of Companies.

Naniniwala siya ang pangunahing dahilan para maging bahagi ng Lopez Group ay para maglingkod sa mga mamamayang Pilipino.

Naging director din siya ng ABS-CBN Corporation na bahagi ng Lopez Group; chairman ng Lopez Group Foundation, at chairman and president ng Eugenio Lopez Foundation na siyang nangangasiwa sa Lopez Museum and Library.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: ABS-CBN tells SEC "redevelopment" of original building in Quezon City still "no deal"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Oscar Lopez ang nasa likod ng “Lopez Credo” na nagsisilbing corporate manifesto ng Lopez Group of Companies. Naniniwala siya na ang pangunahing dahilan sa pagiging bahagi ng Lopez Group ay para maglingkod sa sambayanang Pilipino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results