PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PHP1K ayuda sa 9.3M mahihirap na pamilya

Matatanggap na “in a few days or a few weeks.”
by KC Cordero
Published Mar 8, 2023
Photo of ayuda giving
Ayuda para sa mga apektado ng inflation? May mga nagkomento sa social media na hindi sapat ang ayuda at trabaho dapat ang pagtuunan ng pansin ng gobyerno. (Photo courtesy of Radyo Pilipinas)

Inihayag ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno sa ginanap na briefing sa Malacañang noong March 7, 2023 na maglalabas ang pamahalaan ng PHP26.6 bilyon para maayudahan ang mga sektor na pinakaapektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin.

Sa nasabing halaga, ang PHP9.3 bilyon dito ay ilalaan sa targeted cash transfer.

May PHP3 bilyon naman para sa transport sector.

Ang PHP1 bilyon ay para sa fuel discount ng mga magsasaka at mga mangingisda.

Naglaan din ng PHP13.3 bilyon para sa fertilizer discount voucher program.

Photo of DoF Secretary Benjamin Diokno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ ALSO: Vehicle registration tapos in 10 minutes dahil sa LTO portal

Binanggit ni Diokno na makatatanggap ang 9.3 milyong pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ng PHP1,000 ayuda sa loob ng dalawang buwan—o PHP500 kada buwan.

Aniya, "Napaka-importante din na since mataas ang inflation, ipagpatuloy natin ang mga ayuda na ibinibigay natin sa mga kailangan."

Ayon sa kalihim, “Na-identify na namin kung saan kukunin ang pera, at siguro, in a few days or a few weeks, maibibigay na namin ito sa mga naapektuhan ng inflation.”

Nilinaw rin ni Diokno na ang 9.3 milyong pamilya ay mga benepisyaryo rin ng tulong pinansyal sa ilalim ng Targeted Cash Transfer Program ng Department of Social Welfare and Development.

Aniya, mga dati nang nakatatanggap ng ayuda ang magiging benepisyaryo ng PHP1,000 para sa dalawang buwan.

Hindi na raw gagawa ng bagong listahan ng mga benepisyaryo.

READ ALSO: BSP nagbabala sa publiko vs. pekeng PHP150 banknote

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagkomento namang hindi dapat ayuda ang ipagkaloob ng gobyerno sa mga mahihirap.

Anila, ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay kung paano sila mabibigyan ng hanapbuhay.

May pagkakataon din umano na hindi naman napupunta sa mga nangangailangan ang ipinamimigay na ayuda at sa halip ay napupunta sa bulsa ng mga nagsumite ng benipisyaryo.

Dapat din umanong ang pondohan ay ang public transportation na siyang bumubuhay sa ekonomiya.

Netizens' comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayuda para sa mga apektado ng inflation? May mga nagkomento sa social media na hindi sapat ang ayuda at trabaho dapat ang pagtuunan ng pansin ng gobyerno. (Photo courtesy of Radyo Pilipinas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results