Sinimulan ng mag-asawang Corrine Alexa Utzurrum Saligue, 36, at Iric, 41, ang isang donation drive para masagip ang mga malnourished animals sa Amlan Nature and Adventure Park sa Amlan, Negros Oriental.
Nagsimula ang operasyon ng zoo noong 2015.
Sa artikulong nalathala sa Philippine News Agency at sinulat ni Mary Judaline Partlow last March 3, 2023, sinabi ni Corrine na nakita niya sa Facebook post ng netizen na si Rhanette Jorolan ang mga larawan ng mga hayop sa zoo, kabilang ang tigreng si Acron.

Aniya, nahihirapang maka-survive ang mga hayop.
May mga ulat ding kulang ang mga ito sa pagkain.
Unang nakabisita sa Amlan Nature and Adventure Park ang mag-asawa kasama ang anak na lalaki noong bago nag-pandemic.
Pagbabahagi niya, maayos pa ang kalagayan ng mga hayop noon.

Pero nang lumaganap ang pandemya at nagpatupad ng community lockdowns and restrictions, nag-deteriorate ang zoo dahil wala nang kinikita.
Ani Corrine, mula noon ay nagutom na ang mga hayop at nagkasakit.
READ ALSO: Shih Tzu, “most popular” dog breed sa Pilipinas
FIRST BATCH NG TULONG, NAIHATID NA
Nitong February, sinimulan ni Corrine ang donation drive sa social media para makakalap ng pagkain at iba pang supplies na kailangan ng mga hayop.
Inihatid ng mag-asawa at iba pang volunteers ang first batch ng hilaw na karne, gulay, at iba pang pagkain, pati na rin freezer, sa zoo.

May dumating ding veterinarian para alamin ang kalagayan ng mga hayop.
Kabilang dito ang tatlong tigre, tatlong maliliit na kabayo, dalawang ostrich, iba’t ibang klase ng ahas, camel, mga buwaya, Chinese turtles, isang peacock, at iba’t ibang ibon.

Bukod sa mga tulong na natanggap sa ating mga kababayan na tumugon sa panawagan ni Corrine, may mga nagpadala rin mula sa Hong Kong at Mexico.
Sa kasalukuyan ay nakalikom na siya ng PHP50,000.
Ani Corrine sa panayam pa rin ng PNA, “I try to space out the food delivery as we need to stretch the budget while waiting for a more permanent solution to the current problems surrounding the status of the zoo and the animals.”
READ ALSO: Meet Arwen, ang adorable kitten na bawal ampunin
LGU HINDI DAPAT SISIHIN SA SITWASYON NG ZOO?
Napag-alaman naman ni Corrine na may existing Private-Public Partnership (PPP) agreement sa pagitan ng Amlan government at ng isang korporasyon, ang Dreamland Nature and Adventure Park (DNPA).
Sa panayam kay Mayor Manuel Jose Sycip ng PNA noong March 3, binigyang-diin nito na batay sa Public-Private Partnership (PPP) agreement, hindi responsibilidad ng local government unit (LGU) ang maintenance and operations ng zoo, maging ang pangangalaga ng mga hayop.
Ayon sa mayor, dapat nga ay may natatanggap na 10 percent share ang LGU sa kinikita ng zoo.
Pero batay aniya sa kasalukuyang records, hindi naman ito nangyayari.
Sinabi rin ng mayor na unfair na isisi lahat ng publiko ang sitwasyon ng zoo sa LGU gayung ang corporation ang may hawak ng malaking responsibilidad dito.
Aniya, nagpatawag siya ng pulong noong March 2 para i-review ang PPP agreement, contracts, business permits, at iba pang documentary evidence kaugnay ng operasyon ng zoo.
Makikipag-ugnayan din umano siya sa Department of Environment and Natural Resources at sa Department of Agriculture para humingi ng payo.
READ ALSO: Giant Blue Marlin sa Palawan, nabingwit at nagkakahalaga ng PHP81,000
NAGDAANG LGU ADMINISTRATION ANG LUMAGDA SA PPA
Sinabi naman ni Amlan Tourism Officer John Alabata na limitado lang talaga ang kayang gawin ng munisipyo para ma-save ang zoo.
Aniya, ang papel ng municipal government ay napakaliit batay sa PPP agreement na pinasok ng nagdaang LGU administration at ng DNPA.
Sina dating Amlan Mayor Bentham Dela Cruz, Wilfredo Chiu, at ilang residente ang DNPA incorporators.
Si Chiu rin ang head ng DNPA.
READ ALSO: Meet Fuffy, ang cute dog na kayang umuwing mag-isa after grooming
Umapela si Corrine sa DNPA at sa LGU na magkasundo at magkaroon ng praktikal na solusyon sa problema, gaya ng pagpapaampon sa mga hayop, o kaya ay ibang entity ang magpatakbo sa zoo.
Hiniling din niya sa publiko na tulungan siya sa ginagawang kampanya para mapakain ang mga hayop sa zoo at patuloy na mabuhay ang mga ito.
Aniya, “On this day when we are all celebrating World Wildlife Day, I hope people will put their words into action and not just post comments on social media without even lifting a finger to help us.
"I also hope all stakeholders will set aside what is perceived to be politics coming into play on this issue."

Hinikayat din ni Corrine ang publiko na bisitahin ang zoo nang makita ang kalagayan ng mga hayop.
Sa mga gustong magbigay ng tulong, i-click lang ito: link.
Bago naman napaslang si Govenor Roel Degamo, inatasan nito ang Provincial Veterinarian’s Office at ang Environment and Natural Resources Division na magkaloob ng kinakailangang tulong sa zoo.
