PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korea Offers 14 Scholarships for Filipinos

Sa South Korea mismo mag-aaral.
by KC Cordero
Published Feb 13, 2023
Scholarship announcement from the Korean Embassy
Napakaganda ng scholarship package na ino-offer ng Korea. Libre lahat--mula airfare, tuition fee, monthly allowance, medical insurance, at tirahan. Kasama sa program ang pag-aaral ng Korean language.

Magkakaloob ang Korean Embassy sa Manila ng 14 slots para sa mga kuwalipikadong Pilipino para sa 2023 Global Korea Scholarship (GKS).

Ang pagtanggap ng application para sa nasabing scholarship ay sinimulan na noong February 10.

Matatapos ito bago sumapit ang alas kuwatro ng hapon ng February 28.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency noong February 10, batay sa inilabas na pahayag ng Korean Embassy, sa pamamagitan ng scholarship ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na makakuha ng graduate-level degrees and doctoral-level degrees sa pinakamahuhusay na higher education institutions sa Korea.

Scholarship announcement from the Korean Embassy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 14 na estudyante mula sa Pilipinas ay pipiliin sa pamamagitan ng embassy track, para makakumpleto ng graduate program.

Sasagutin ng scholarship ang mga sumusunod:

  1. Round trip airfare tickets
  2. Monthly stipend
  3. Tuition fees
  4. Settlement allowance
  5. Scholarship Completion Grants,
  6. Korean language training expenses
  7. Medical insurance

Read also: UP Open University offering free online courses

Ang Master’s Degree Program ay tinatayang tatagal ng tatlong taon. Kabilang dito ang isang taon na Korean language program.

Apat na taon naman ang aabutin ng Doctoral Degree Programs.

Isang taon din ang nakalaan para sa language classes.

Ang annual GKS program ay nagkakaloob ng oportunidad sa lubu-libong estudyante sa buong mundo na makapag-aral sa Korea.

Para sa mga Filipino scholars, pinatatatag naman ng programa ang ugnayan sa pagitan ng Seoul at Manila.

Batay sa pinakahuling GKS guidelines, ang applicants ay dapat na Filipino national at wala pang 40 anyos o isinilang bago ang September 1, 1983.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang cumulative grade point average (CGPA) ng buong curriculum mula sa previous degree program—bachelor’s o master’s—ay dapat na makatugon sa isa sa mga sumusunod na kondisyon:

  1. Ang score percentile ay dapat na 80 percent or above batay sa 100-point scale o kabilang sa top 20 percent ng klase.
  2. Ang CGPA ay dapat na katumbas o mas mataas sa 2.64/4.0, 2.80/4.3, 2.91/4.5 or 3.23/5.0

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin lang ang Korean Embassy website https://overseas.mofa.go.kr/ph-en/index.do.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napakaganda ng scholarship package na ino-offer ng Korea. Libre lahat--mula airfare, tuition fee, monthly allowance, medical insurance, at tirahan. Kasama sa program ang pag-aaral ng Korean language.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results