Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong taon, opisyal nang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang taunang MayniLove Fair noong February 6, 2023.
Gaganapin ito Mehan Garden mula 4:00 p.m. hanggang 11:00 p.m., at tatagal ito hanggang February 17.

Inorganisa ito ng Manila local government unit katuwang ang Bureau of Permits, at ang economic development and investment promotions office ng lungsod.
Libre ang pagpasok sa venue, na magtatampok ng iba't iabng produkto mula sa mahigit 30 small and medium enterprises.
May mga booths na nagtitinda ng iba’t ibang items gaya ng mga damit, bags, pagkain, at iba pa.


Para sa mga dog lovers na hindi maiwan ang kanilang pets, may playpen kung saan maaaring makipag-bonding ang kanilang fur babies sa ibang dogs.
Kung gustong mag-alaga, may mabibili ring puppies.


Read also: Rare "asong gubat" o "witch dog," kikilalaning pure-breed asong Pinoy ang orig
May mga imbitadong talents na naghahandog ng live song performances.

Ang mga bisita at magsing-irog ay maaari ring magpakuha ng kanilang larawan sa mga Instagrammable spots.

Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kanyang mga nasasakupan at maging ang mga taga-ibang lungsod na makisaya sa MayniLove Fair.
“I invite all Manileños to support this project, we will be able to help our small entrepreneurs or those who are starting to recover from the effects of the pandemic.”
Ang Mehan Park ay isang open space sa Maynila na inilunsad ng mga Kastila bilang Jardín Botánico (botanical garden) noong 1858, at ginawang public park ng mga Amerikano noong 1913.
Ang pangalan nito ay hango kay John C. Mehan, na in charge noon sa parks at sanitation ng lungsod.
Matatagpuan ang Mehan Park sa Taft Avenue, at malapit ito sa Liwasang Bonifacio, na katapat ng Philippine Post Office Main Building, LRT 1 Central Terminal station, Metropolitan Theater, at Manila City Hall.