Ang Quezon City ang nangungunang online dating place sa Pilipinas, ayon sa Tinder, isang kilalang international online dating app.
Ang users ng dating app sa tinaguriang City of Stars ang may pinakamaraming swipes gamit ang "Passport" feature ng Tinder, kung saan puwede silang mag-“search by city or drop a pin on the map and begin liking, matching and chatting others in the destination of your choice.”
Samantala, pumapangalawa sa “Top 10 local cities to passport to in 2022” ng Tinder ang Cebu City.
Sinundan ito ng Baguio, Davao, Dasmariñas sa Cavite, Taguig, San Pedro sa Laguna, Iloilo, Bacolod, at Olongapo.
Sa overall ranking ng cities worlwide, pang-pito ang Quezon City na sinundan ng Toronto (Canada), Seoul (South Korea), Chicago, at San Diego (U.S).
Malaking talon ito para sa Pilipinas na hindi nakapasok sa Top 15 cities in the world for dating ng Tinder noong 2021.
CHATTIEST ANG PINOY SA TINDER
Ayon naman sa survey na inilabas din ng Tinder para sa taong 2022, ang Pilipinas ang “chattiest” dahil nangunguna ang Pinoy users sa paggamit ng chat feature ng dating app.
Sumunod sa Pilipinas ang India, Indonesia, Thailand, Japan, Korea, Brazil, Singapore, Vietnam, at Spain.
Pagdating naman sa Passport feature, pinakamaraming beses na nag-passport (ibig sabihin ay naghanap at nag-pin) ang Pinoy Tinder users sa London, England. Sinundan ito ng Los Angeles at New York sa U.S. then Melbourne and Sydney sa Australia.
Pagdating sa top interests ng Pinoy users, nasa listahan ang music, movies, Netflix, coffee, travel, games, food, dogs, sports, at cooking.
Mas maraming Pinoy users ang mas pinili rin ang simpleng activities, gaya ng pamamasyal, coffee date, at food trip kesa fancy dinner dates.