PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bonus at cash gift, matatanggap na ng regular government employees

Katumbas ito ng one-month basic pay.
by KC Cordero
Published Nov 15, 2022
Employee receiving year-end bonus
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang year-end bonus ay katumbas ng one-month basic pay kagaya ng natanggap ng mga regular government personnel noong October 31, 2022. Ang cash gift ay PHP5,000.

Matatanggap na ng mga regular government employees ang kanilang year-end bonus at cash gift simula November 15, 2022.

Inianunsiyo ito ng Department of Budget and Management (DBM) noong November 14, 2022.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang year-end bonus ay katumbas ng one-month basic pay kagaya ng natanggap noong October 31.

Ang cash gift naman ay nagkakahalaga ng PHP5,000.

Aniya, ang pagre-release ng year-end bonus at cash gift ay nakapaloob sa General Appropriations Act para sa kasalukuyang taon.

Dagdag pa niya, “For sure, many of our fellow government workers have been looking forward to this.”

Batay sa DBM Budget Circular (BC) No. 2016-4 na may petsang April 28, 2016, ang year-end bonus at cash gift ay ipagkakaloob sa mga regular government personnel, kabilang ang mga nakapagtrabaho na ng apat na buwan na saklaw ng petsa mula January 1 hanggang October 31 ng taong kasalukuyan.

Pinayuhan naman ni Pangandaman ang mga regular government personnel na maging maingat sa paggastos sa kanilang bonus, lalo pa at mahal ang mga bilihin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “We wish to remind our fellow government workers to budget and spend wisely, as what we would always promote here at the DBM.”

Batay sa pagtataya ng Civil Service Commission, may 1.7 milyon na empleyado na nakatalaga sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang year-end bonus ay katumbas ng one-month basic pay kagaya ng natanggap ng mga regular government personnel noong October 31, 2022. Ang cash gift ay PHP5,000.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results