PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Citizen Rody" spotted na nagmotorsiklo, kumain ng durian

Mukhang ini-enjoy niya ang retirement.
by KC Cordero
Published Aug 9, 2022
Former preident Rodrigo Duterte with his bike
Nag-ikot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City sakay ng kanyang motorsiklo at nakihalubilo sa mga residente. Kumain din siya ng paborito niyang durian sa isang tindahan.

Mula nang matapos ang kanyang termino ay bihira nang nakita ng publiko si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Umuwi na siya sa Davao City at doon ine-enjoy ang kanyang retirement.

Kamakailan ay may lumabas sa social media na mga larawan niya na kuha sa labas ng gate ng dati niyang tahanan sa probinsya, pero may mga nagsabing luma na iyon.

Nitong August 8, 2022 ay may mga larawan ng dating pangulo na naka-post sa official Facebook Page ni Senator Bong Go, ang kanyang dating personal aide noong mayor pa siya ng Davao City, at naging special assistant nang maging pangulo.

Former preident Rodrigo Duterte with his bike

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Verified ang Facebook page ng senador, kaya authentic ang mga larawan ni dating Pangulong Duterte na naka-post doon.

Batay sa caption, madaling-araw ay nag-ikot ang dating pangulo sa lungsod sakay ng kanyang motorsiklo. Binisita niya ang mga lugar na madalas niyang puntahan noong siya pa ang namumuno rito bilang mayor.

Ang anak niyang si Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Sa mga larawan ay makikitang nakihalubilo ang dating pangulo sa mga sundalo at pulis, at sa ilang mga residente.

Former preident Rodrigo Duterte eating durian

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kuha rin siya na kumakain ng durian, na ayon sa post ay paborito niyang prutas.

Senyora commented on SBG post

Dagsa ang komento ng mga netizens, kabilang ang social-media personality na si Senyora, at supporters ng dating pangulo, na obvious na curious kung ano na ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Ang nasabing post ay nakakuha na ng 33K reactions, 1.1K comments, at 1.1K shares at press time.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-ikot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City sakay ng kanyang motorsiklo at nakihalubilo sa mga residente. Kumain din siya ng paborito niyang durian sa isang tindahan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results